1 Mula sa Lunsod ng Sela sa disyerto,nagpadala ang mga taga-Moab ng mga batang tupabilang regalo sa namamahala sa Jerusalem.
2 Naghihintay sila sa baybayin ng batis ng Arnon,pabalik-balik sa paglalakad na parang mga ibong nabulabog sa kanilang pugad.
3 Sasabihin nila sa mga taga-Juda:“Sabihin ninyo sa amin ang aming gagawin;at bigyan ng katarungan;takpan ninyo kami, tulad ng lilim ng punongkahoykapag katanghaliang-tapat,papagpahingahin ninyo kamisa ilalim ng inyong mayayabong na sanga.Itago ninyo kami sa mga humahabol sa amin;kami'y mga takas, huwag ninyo kaming ibigay sa kanila.
4 Patirahin ninyo kami sa inyong bayan,kaming mga pinalayas sa Moab.Ingatan ninyo kamisa nagnanais na pumatay sa amin.”At lilipas ang pag-uusig,mawawala ang mamumuksa,at aalis ang nananalanta sa lupain.
5 At dahil sa wagas na pag-ibig, itatatag ang isang trono,at uupo doon ang isang hahatol nang tapat;magmumula siya sa angkan ni David,isang tagapamahalang makatarungan,at mabilis sa paggawa ng matuwid.
6 Sasabihin ng mga taga-Juda:“Nabalitaan namin ang kataasan ng mga taga-Moab,ang kanilang kasinungalingan at pandaraya,ngunit walang saysay ang kanilang kayabangan.”
7 Kaya tatangisan ng mga taga-Moab ang kanilang lunsod,sama-sama silang mananaghoydahil sa kanilang paghihirap,sa tuwing maaalala nila ang masasarap na pagkain sa Kir-Hareset.
8 Sisirain ang mga bukiring malapit sa Hesbon,at ang mga ubasan sa Sibma,na pinagkukunan ng alak ng mga pinuno ng mga bansa.Ubasang abot sa Jazerhanggang sa disyerto,at lampas pa hanggang sa kabila ng dagat.
9 Kaya tatangisan kong kasama ng Jazerang mga ubasan ng Sibma.Didiligin ko ng luha ang Hesbon at Elealesapagkat wala silang aanihin upang magsaya ang bayan.
10 Maglalaho ang tuwa at kagalakansa kanyang masaganang bukirin.Titigil ang kasayahan at awitan sa kanyang ubasan.Wala nang alak na dadaloy sa kanyang pisaanat tuluyang matatahimik ang masayang hiyawan.
11 Kaya parang malungkot na himig ng alpa ang aking pagdadalamhati sa sinapit ng Moab.Nagdurugo ang puso ko sa sinapit ng Kir-heres.
12 Umahon man ang mga taga-Moabsa kanilang mga altar sa mga sagradong burol,at magpagod man sila ng pagsamba sa kanilang mga santuwaryo,wala ring kabuluhan ang kanilang panalangin.
13 Ito ang sabi ni Yahweh noong una tungkol sa Moab.
14 Ngunit ito naman ang sinasabi niya ngayon: “Tatlong taon mula ngayon, malilimas ang malaking kayamanan ng Moab. Sa marami niyang tauhan ay ilan lamang ang matitira at mahihina pa.”