1 Kahabag-habag kayong umaasa sa tulong ng Egiptoat nagtitiwala sa bilis ng kanilang mga kabayo,nananalig sa dami ng kanilang mga karwahe,at sa matatapang nilang mangangabayo,sa halip na sumangguni at umasa kay Yahweh,ang Banal na Diyos ng Israel.
2 Alam ni Yahweh ang kanyang ginagawa, nagpapadala siya ng salot.At gagawin niya ang kanyang sinabi.Paparusahan niya ang gumagawa ng masamaat ang mga tumutulong sa kanila.
3 Hindi Diyos ang mga Egipcio; sila'y mga tao rin,karaniwang hayop din ang kanilang mga kabayo at hindi espiritu.Pagkilos ni Yahweh, babagsak ang malakas na bansa,pati ang mga tinulungan nito.Sila'y pare-parehong mawawasak.
4 Ito ang sinabi sa akin ni Yahweh:“Walang makakapigil sa akin sa pagtatanggol sa Bundok ng Zion,kung paanong ang leon ay hindi mapipigil sa paglapa nito sa kanyang biktima,kahit pa magsisigaw ang mga pastol.Kaya't sa pagdating ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay walang makakapigil,upang ipagtanggol ang Zion at ang mga burol nito.
5 Tulad ng pag-aalaga ng ibon sa kanyang inakay,gayon iingatan ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang Jerusalem.Ipagtatanggol niya ito at ililigtas;hindi niya ito pababayaan.”
6 Sinabi ng Diyos, “Bayang Israel, magbalik-loob ka sa akin,labis-labis na ang ginawa mong paghihimagsik.
7 Pagdating ng araw na iyon, itatapon ng bawat isaang kanyang mga diyus-diyosang pilak at gintona sila-sila rin ang gumawa.
8 “Ang mga taga-Asiria'y malulupig sa digmaan, ngunit hindi tao ang wawasak sa kanila;sila'y magtatangkang tumakas,ngunit aalipinin ang kanilang mga kabataan.
9 Sa tindi ng takot, tatakas ang kanyang pinakapinuno,at iiwan ng mga opisyal ang kanilang bandila.”Ito ang sabi ni Yahweh,ang Diyos na sinasamba at hinahandugan sa Jerusalem.