1 Sa araw na iyon ay aawitin ng mga tao ang ganito:“Yahweh, ikaw ay aking pasasalamatan,sapagkat kung nagalit ka man sa akin noon,nawala na ang galit mo ngayon, at ako'y iyong inaliw.
2 Tunay na ang Diyos ang aking kaligtasan,sa kanya ako magtitiwala at hindi ako matatakot,sapagkat ang Panginoong Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan,siya ang aking tagapagligtas.
3 Malugod kayong sasalok ng tubig sa balon ng kaligtasan.”
4 Sasabihin ninyo sa araw na iyon:“Magpasalamat kayo kay Yahweh, siya ang inyong tawagan;ipaalam ninyo sa mga bansa ang kanyang mga gawa,ipahayag ninyo ang kadakilaan ng kanyang pangalan.
5 Umawit kayo ng papuri kay Yahweh, sapagkat kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa,ibalita ninyo ito sa buong daigdig.
6 Mga taga-Zion, sumigaw kayo at umawit nang buong galak,sapagkat nasa piling ninyo ang dakila at ang Banal na Diyos ng Israel.”