1 Narito ang isang pahayag mula sa Diyos tungkol sa Babilonia, sa isang pangitain na nakita ni Isaias na anak ni Amoz:
2 Itayo mo ang isang bandila sa tuktok ng burol,isigaw sa mga kawal ang hudyat ng paglusob,lusubin ang mga pintuan ng palalong lunsod.
3 Inutusan ko na ang aking mga piling kawal,tinawagan ko na ang magigiting kong mandirigma. Malalakas sila at masisigla,upang ipalasap ang aking galit.
4 Pakinggan ninyo ang nagkakagulong ingay sa kabundukandahil sa dami ng tao.Pakinggan ninyo ang ugong ng mga kaharian,ng mga bansang nagkakatipon!Inihahanda na ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahatang kanyang mga hukbo para sa isang digmaan.
5 Dumarating sila buhat sa malayong lupain,buhat sa dulo ng daigdig.Dumarating na si Yahweh,upang wasakin ang buong lupain dahil sa kanyang poot.
6 Manangis kayo sapagkat malapit na ang araw ni Yahweh,darating na ang araw ng pangwawasak ng Diyos na Makapangyarihan.
7 Sa araw na iyon, manghihina ang lahat ng kamay.Manlulupaypay ang lahat ng tao,
8 ang lahat ng tao'y masisindak,at manginginig sa takot,makadarama sila ng paghihirap, tulad ng isang babaing manganganak.Matatakot sila sa isa't isa;mamumula ang kanilang mukha dahil sa kahihiyan.
9 Dumarating na ang araw ni Yahweh,malupit ito at nag-aalab sa matinding poot,upang wasakin ang lupainat ang masasama ay lipulin.
10 Hindi na magniningningang liwanag ng mga bituin sa kalangitan,magiging madilim ang araw sa pagsikat,pati ang buwan ay hindi na magsasabog ng liwanag.
11 “Paparusahan ko ang daigdig dahil sa kasamaan nito,at ang masasama dahil sa kanilang kasalanan;wawakasan ko na ang pagmamataas ng mga palalo,at puputulin ko na ang kayabangan ng mga walang awa.
12 Kaunti lamang ang ititira kong taoat magiging mahirap pa silang hanapin kaysa gintong lantay na galing sa Ofir.
13 Kaya nga yayanigin ko ang kalangitan,at ang lupa ay malilihis sa kinalalagyan nito,sa araw na isinabog ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahatang kanyang matinding poot.
14 Parang usang hinahabol,parang tupang walang pastol,ang mga tao'y babalik sa kani-kanilang bayan,sila ay tatakas pabalik sa sariling lupain.
15 Ang bawat mahuli'y papatayin sa pamamagitan ng tabak.
16 Sa harapan nila'yluluray-lurayin ang kanilang mga sanggol,lilimasin ang mga ari-arian sa kanilang mga tahanan,at ang kanilang mga asawa'y pagsasamantalahan.”
17 Sinabi pa ni Yahweh,“Ipasasalakay ko sila sa mga taga-Media,mga taong walang pagpapahalaga sa pilakat di natutukso sa ginto.
18 Papatayin nila sa pamamagitan ng pana ang mga kabataang lalaki,hindi nila kahahabagan ang mga sanggol at mga bata.
19 Ang Babilonia, na pinakamaganda sa mga kaharian,ang kayamanang ipinagmamalaki ng mga taga-Babilonia,ay pababagsakin ng Diyostulad sa Sodoma at Gomorra.
20 Wala nang taong maninirahan doon kahit kailan,wala nang Arabong magtatayo ng tolda roon,wala nang pastol na mag-aalaga ng tupa doon.
21 Mga hayop na maiilap ang mananahan doon,titirhan ng mga ostrits ang kanyang mga bahay,pagtataguan ang mga iyon ng mga ostritsat maglulundagan doon ang mga maiilap na kambing.
22 Aatungal ang mga hiyena sa kanyang mga tore,aalulong ang mga asong-gubat sa kanyang mga palasyo.Nalalapit na ang wakas ng Babilonia,hindi na siya magtatagal.”