1 Tingnan ninyo, si Yahweh ay may kakayahan upang iligtas ka;siya'y hindi bingi upang hindi marinig ang inyong hinaing.
2 Ang masasama ninyong gawa ang dahilan ng pagkawalay ninyo sa Diyos.Nagkasala kayo kaya hindi ninyo siya makita,at hindi niya kayo marinig.
3 Natigmak sa dugo ang inyong mga kamay,ang inyong mga daliri'y sanhi ng katiwalian.Ang inyong mga labi ay puno ng kasinungalingan;ang sinasabi ng inyong mga dila ay pawang kasamaan.
4 Hindi makatarungan ang inyong pagsasakdal sa hukuman;hindi rin matapat ang hatol ng inyong mga hukom.Ang inyong batayan ay hindi tamang pangangatuwiran,at ang pananalita ninyo'y pawang kasinungalingan.Ang iniisip ninyo'y pawang kaguluhanna nagiging sanhi ng maraming kasamaan.
5 Mga itlog ng ahas ang kanilang pinipisa,mga sapot ng gagamba ang kanilang hinahabi.Sinumang kumakain ng itlog na ito'y mamamatay;bawat napipisa ay isang ulupong ang lumilitaw.
6 Hindi magagawang damit ang mga sapot,hindi nito matatakpan ang kanilang mga katawan.Ang mga ginagawa nila'y kasamaan,pawang karahasan ang gawa ng kanilang mga kamay.
7 Mabilis ang kanilang paa sa paggawa ng masama,nagmamadali sila sa pagpatay ng mga walang sala;pawang kasamaan ang kanilang iniisip.Bakas ng pagkawasak ang kanilang iniiwan sa kanilang malalawak na lansangan.
8 Hindi nila alam ang landas patungo sa kapayapaan,wala silang patnubay ng katarungan;liku-likong landas ang kanilang ginagawa;ang nagdaraan doo'y walang kapayapaan.
9 Dahil dito, ang katarungan ay malayo sa amin,hindi namin alam kung ano ang katuwiran.Alam na namin ngayon kung bakit hindi kami iniligtas ng Diyos, sa mga nagpahirap sa amin.Umasa kaming liwanag ay darating, ngunit kadiliman ang aming kinasadlakan.
10 Tulad nami'y bulag na nangangapa sa paglakad,nadarapa kami tulad ng mga walang paningin.Sa katanghaliang-tapat, kami'y natatalisod na para bang gabi na,parang kami'y nasa dilim tulad ng mga patay.
11 Umuungal tayong lahat na gaya ng mga oso;dumaraing tayo at nagdadalamhati tulad ng mga kalapati.Ang hinihintay nating katarungan ay hindi dumarating.Nais nating maligtas sa kaapihan at kahirapan ngunit ang kaligtasan ay malayo.
12 Yahweh, maraming beses kaming naghimagsik laban sa iyo;inuusig kami ng aming mga kasalanan.Alam naming kami'y naging makasalanan.Nalalaman namin ang aming mga pagkakasala.
13 Naghimagsik kami sa iyo, O Yahweh, at itinakwil ka naminat hindi na sumunod sa iyo.Ang sinasabi namin ay pawang pang-aapi at pagtataksil;ang inuusal ng aming mga bibig ay mga kasinungalingan, na katha ng aming mga isip.
14 Itinakwil namin ang katarunganat lumayo kami sa katuwiran.Ang katotohanan ay nahandusay sa mga liwasang-bayan,at hindi makapanaig ang katapatan.
15 Hindi matagpuan ang katotohanan,kaya nanganganib ang buhay ng mga tao, na ayaw gumawa ng kasamaan.Nang makita ni Yahweh na wala nang katarungan,siya ay nalungkot.
16 Nakita niya na wala kahit isang magmalasakit sa mga api.Dahil dito'y gagamitin niya ang kanyang kapangyarihanupang sila'y iligtas, at siya'y magtatagumpay.
17 Ang suot niya sa dibdib ay baluti ng katuwiran,at sa kanyang ulo naman ang helmet ng kaligtasan.Paghihiganti ang kanyang kasuotan,at poot naman ang kanyang balabal.
18 Paparusahan niya ang mga kaaway ayon sa kanilang ginawa,kahit ang nasa malalayong lugar ay kanyang gagantihan.
19 Kaya katatakutan siya ng mga taga-kanluran,at dadakilain sa dakong silangan;darating si Yahweh, tulad ng malakas na agos ng tubig,gaya ng ihip ng malakas na hangin.
20 Sinabi ni Yahweh sa kanyang bayan,“Pupunta ako sa Zion upang tubusinang mga taong mula sa lahi ni Jacob na magsisisi sa kanilang kasalanan.
21 Ito ang aking kasunduan sa inyo,” sabi ni Yahweh.“Ibinigay ko na ang aking kapangyarihan at mga katuruan upang sumainyo magpakailanman. Mula ngayon ay susundin ninyo ako at tuturuan ang inyong mga anak at salinlahi na sumunod sa akin sa buong panahong darating.”