1 Mayroong ubasan ang aking sinta,sa libis ng bundok na lupa'y mataba,kaya ako'y aawit para sa kanya.
2 Hinukay niya ang lupa at inalisan ng bato,mga piling puno ng mabuting ubas ang kanyang itinanim dito.Sa gitna'y nagtayo siya ng isang bantayanat nagpahukay pa ng balong pisaan.Pagkatapos nito ay naghintay siya na ang kanyang tanim ay magsipagbunga,ngunit bakit ang kanyang napitas ay maasim ang lasa?
3 Kaya ngayon, mga taga-Jerusalemat mga taga-Juda,kayo ang humatol sa akin at sa aking ubasan.
4 Ano pa ba ang aking nakaligtaang gawin sa aking ubasan?Bakit nang ako'y mamitas ng bunga,ang aking nakuha ay maasim ang lasa?
5 Kaya ganito ang gagawin ko sa aking ubasan:Puputulin ko ang mga halamang nakapaligid ditoat wawasakin ang bakod.Ito'y kakainin at sisirain ng mga hayop.
6 Pababayaan ko itong malubog sa mga tinik at damo;hindi ko babawasan ng labis na dahon at sanga,hindi ko bubungkalin ang paligid ng mga puno nito;at pati ang ulap ay uutusan ko na huwag magbigay ng ulan.
7 Ang ubasang ito ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahatay walang iba kundi ang bayang Israel,at ang bayan ng Juda ang mga puno ng ubas na kanyang itinanim.Umasa siyang gagawa ito ng makatarungan,ngunit sa halip ay naging mamamatay-tao,inasahan niyang paiiralin nito'y katuwiran,ngunit panay pang-aapi ang kanilang ginawa.
8 Kawawa kayo na laging naghahangad ng maraming bahayat malawak na mga bukirin,hanggang mawalan na ng lugar ang ibang mga tao,at kayo na lamang ang naninirahan sa lupain.
9 Sinabi sa akin ni Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat:Maraming tirahan ang mawawasak;malalaki at magagandang mga tahanan, sira at wasak na ito'y iiwan.
10 Sa bawat walong ektaryang ubasan, dalawampu't dalawang litrong alak lamang ang makukuha;sa bawat sampung kabang inihasik, limang salop lamang ang aanihin.
11 Kawawa ang maaagang bumangonna nagmamadali upang makipag-inuman;inaabot sila ng hatinggabihanggang sa malasing!
12 Tugtog ng lira sa saliw ng alpa;tunog ng tamburin at himig ng plauta;saganang alak sa kapistahan nila;ngunit mga ginawa ni Yahweh ay hindi nila inunawa.
13 Kaya nga ang bayan ko ay dadalhing-bihag ng hindi nila nalalaman;mamamatay sa gutom ang kanilang mga pinuno,at sa matinding uhaw, ang maraming tao.
14 Ang daigdig ng mga patay ay magugutom;ibubuka nito ng maluwangang kanyang bibig.Lulunukin nito ang mga maharlika ng Jerusalem,pati na ang karaniwang tao na nagkakaingay.
15 Ang lahat ng tao'y mapapahiya,at ang mayayabang ay pawang ibababâ.
16 Ngunit si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, pupurihin siya sa hatol niyang matapat,at sa pagpapakita ng katuwiran, makikilalang ang Diyos ay Banal.
17 Sa gayon, sa tabi ng mga guho ay manginginainang mga tupa at mumunting kambing.
18 Kawawa kayo, mga makasalanan na walang ginawa kundi humabi ng kasinungalingan;hindi kayo makakawala sa inyong kasamaan.
19 Sinasabi ninyo: “Pagmadaliin natin ang Diyosupang ating makita ang kanyang pagkilos;maganap na sana ang plano ng Banal na Diyos ng Israel,nang ito'y malaman natin.”
20 Kawawa kayo, mga baligtad ang isip!Ang mabuting gawa ay minamasama,at minamabuti naman iyong masama,ang kaliwanaga'y ginagawang kadilimanat ang kadilima'y itinuturing na kaliwanagan.Sa lasang mapait ang sabi'y matamis,sa lasang matamis ang sabi'y mapait.
21 Kawawa rin kayo, mga nag-aakalang kayo'y marurunong,at matatalino sa inyong sariling palagay!
22 Mga bida sa inuman, kawawa kayo!Mahuhusay lang kayo sa pagtitimpla ng alak;
23 dahil sa suhol, pinapalaya ang may kasalanan,at sa taong matuwid ipinagkakait ang katarungan.
24 Kaya kung paanong ang dayami ng trigo at ang tuyong damo ay sinusunog ng apoy,gayundin ang bulaklak nila'y parang alikabok na papaitaas;at ang ugat nila'y dagling mabubulok.Sapagkat tinalikuran nila ang batas ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat,at ang salita ng Banal na Diyos ng Israel ay kanilang binale-wala.
25 Kaya dahil sa laki ng galit ni Yahweh, paparusahan niya ang kanyang sariling bayan.Mayayanig ang mga bundok;mga bangkay ay mangangalat na parang mga basurangsa lansanga'y sasambulat.Ngunit ang poot niya'y hindi pa mawawala,kanyang mga kamay handa pa ring magparusa.
26 Huhudyatan niya ang isang malayong bansa,tatawagin niya ito mula sa dulo ng lupa;at mabilis naman itong lalapit.
27 Isa man sa kanila'y hindi mapapagodo makakatulog o madudulas;walang pamigkis na maluwago lagot na tali ng sandalyas.
28 Matutulis ang kanilang panudla,at nakabanat ang kanilang mga pana;ang kuko ng kanilang kabayo'y sintigas ng bakalat parang ipu-ipo ang kanilang mga karwahe.
29 Ang sigawan nila'y parang atungal ng batang leon,na nakapatay ng kanyang biktimaat dinala ito sa malayong lugar na walang makakaagaw.
30 Sa araw na iyon ay sisigawan nila ang Israelna parang ugong ng dagat.At pagtingin nila sa lupain,ito'y balot ng dilim at pighati;at ang liwanag ay natakpan na ng makapal na ulap.