1 Sinabi ni Yahweh,“Narito ang tubig, kayong mga nauuhaw.Ang mga walang salapi ay lumapit din dito,bumili kayo ng pagkain at ito'y kainin ninyo!Bumili kayo ng alak at gataskahit walang salaping pambayad.
2 Bakit gumugugol kayo ng salapi sa mga bagay na hindi nakakabusog?Bakit ninyo inuubos ang perang kinita sa mga bagay na sa inyo ay hindi nagbibigay kasiyahan?Makinig kayong mabuti sa akin at sundin ang utos ko,at matitikman ninyo ang pinakamasasarap na pagkain.
3 Makinig kayo at lumapit sa akin.Sundin ninyo ako at magkakaroon kayo ng buhay!Isang walang hanggang kasunduan ang gagawin natin;pagtitibayin ko ang aking walang hanggang pag-ibig kay David.
4 Masdan ninyo! Ginawa ko siyang saksi sa mga bansa,pinuno at tagapagmana sa mga bayan.
5 Iyong tatawagin ang mga bansang hindi mo kilala,mga bansang hindi ka kilala'y sa iyo pupunta.Darating sila alang-alang sa iyong Diyos na si Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel,sapagkat pinaparangalan ka niya.”
6 Hanapin mo si Yahweh habang siya'y matatagpuan,manalangin ka sa kanya habang siya'y malapit pa.
7 Dapat nang talikuran ang mga gawain ng taong masama,at dapat magbago ng pag-iisip ang taong liko.Sila'y dapat manumbalik, at lumapit kay Yahweh upang kahabagan;at mula sa Diyos, makakamit nila ang kapatawaran.
8 Ang sabi ni Yahweh,“Ang aking kaisipa'y hindi ninyo kaisipan,ang inyong kaparaanan ay hindi ko kaparaanan.
9 Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa,ang aking kaparaanan ay higit kaysa inyong kaparaanan,at ang aking kaisipan ay hindi maaabot ng inyong kaisipan.
10 “Ang ulan at yelo na bumabagsak mula sa langit ay hindi na nagbabalik,kundi dinidilig nito ang lupa,kaya lumalago ang mga halaman at namumungaat nagbibigay ng butil na panghasik, at tinapay upang maging pagkain.
11 Gayundin naman ang mga salita na lumalabas sa aking bibig,ang mga ito'y hindi babalik sa akin na walang katuturan.Tutuparin nito ang aking mga balak, at gagawin nito ang aking ninanais.
12 “May galak na lilisanin ninyo ang Babilonia,mapayapa kayong aakayin palabas ng lunsod.Aawit sa tuwa ang mga bundok at mga burol,sisigaw sa galak ang mga punongkahoy.
13 Sa halip na mga tinik, kahoy na mayabong ang siyang tutubo;sa halip na dawag, mga kakahuyan ay muling darami at magsisilago.Ang lahat ng ito'y parangal kay Yahweh,walang hanggang tanda sa lahat ng kanyang mga ginawa.”