1 Bakit hindi mo buksan ang langit at bumabâ ka sa mundong ibabaw,upang ang mga bundok ay manginig sa takot sa iyong harapan?
2 Sila'y manginginig na parang tubig na kumukulo sa init ng apoy.Ipakita mo ang iyong kapangyarihan sa iyong mga kaaway,upang manginig ang mga bansa sa iyong harapan.
3 Nang ikaw ay dumating sa nakaraang panahon, gumawa ka ng mga bagay na nakakapangilabot na hindi namin inaasahan;ang mga bundok ay nanginig sa takot nang ikaw ay makita.
4 Sangkatauhan ay wala pang nakikitao naririnig na Diyos maliban sa iyo;ikaw na tumutugon sa mga dalangin ng mga umaasa sa iyo.
5 Tinatanggap mo ang mga taong nagagalak gumawa ng tama;at sila na sa iyo'y nakakaalala sa nais mong maging buhay nila.Ngunit kapag patuloy kaming nagkakasala, ikaw ay nagagalit.At sa kabila ng iyong poot, patuloy kami sa paggawa ng masama.
6 Lahat tayo'y naging marumi sa harapan ng Diyos;ang mabubuting gawa nati'y maruruming basahan ang katulad.Nalanta na tayong lahat gaya ng mga dahon;tinatangay tayo ng malakas na hangin ng ating kasamaan.
7 Walang sinumang tumatawag sa pangalan mo;walang sinumang bumabangon upang sa iyo'y lumapit.Kami'y iyong pinagtaguan,at dahil sa aming mga kasalanan, kami'y iyong pinuksa.
8 Gayunman, O Yahweh, ikaw pa rin ang aming Ama.Kami ang putik at ikaw ang magpapalayok.Ikaw ang sa ami'y humubog.
9 O Yahweh huwag kang mapoot sa amin ng labis;huwag mo nang alalahanin magpakailanman ang aming mga kasamaan;mahabag ka sa amin sapagkat kami'y iyong bayan.
10 Ang mga banal na lunsod mo'y naging mga disyerto;ang Jerusalem ay naging mapanglaw na guho.
11 Ang aming banal at magandang Templo,na sinasambahan ng aming mga ninuno,ngayon ay sunog na;at ang lahat ng lugar na kawili-wiling pagtipunan, ay wasak nang tuluyan.
12 O Yahweh, pagkatapos ng mga bagay na ito, ano ang iyong gagawin?Tatahimik ka ba at patuloy kaming pahihirapan?