1 Sa araw na iyon, gagamitin ni Yahwehang kanyang malupit at matalim na espada;paparusahan niya ang Leviatan, ang tumatakas na dragon,at papatayin niya ang halimaw na nakatira sa dagat.
2 Sa araw na iyon,sasabihin niya sa kanyang mainam na ubasan,
3 “Akong si Yahweh ang nag-aalaga ng ubasang itona dinidilig bawat sandali,at binabantayan ko araw at gabiupang walang manira.
4 Hindi na ako galit sa aking ubasan,ngunit sa sandaling may makita akong mga tinik,ang mga ito'y titipunin koat saka susunugin.
5 Ngunit kung nais nilang sila'y aking ingatan,ang dapat nilang gawin, makipagkasundo sa akin.
6 Darating ang araw na mag-uugat ang lahi ni Jacob,mamumulaklak ang Israel, magbubunga ng maramiat mapupuno ang buong daigdig.
7 Pinarusahan ba ng Diyos ang Israel gaya ng ginawa sa mga kaaway nito?Pinatay ba niya ang mga Israelita tulad ng ginawa sa pumaslang sa kanila?
8 Hinayaan ni Yahweh na mabihag ang kanyang bayan bilang parusa;tinangay sila ng malakas na hangin buhat sa silangan.
9 Patatawarin lang sila kung wawasakin nila ang mga altarat itatapon ang larawan ng diyus-diyosang si Ashera,at dudurugin ang altar na sunugan ng insenso.
10 Wasak na ang lunsod na siyang tanggulan,para itong disyerto na walang nakatira,at ginawang pastulan na lamang ng mga baka.
11 Nabali at natuyo ang mga sanga ng punongkahoy,pupulutin naman ng mga babae at gagawing panggatong.Sapagkat ang bayang ito'y walang pagkaunawa,kaya hindi sila kahahabagan ng Diyos na kanilang Manlilikha.
12 Sa araw na iyon ay titipunin ni Yahweh,ang mga Israelita gaya ng inaning trigo;mula sa Ilog Eufrates hanggang sa hangganan ng Egipto.
13 Pagtunog ng trumpeta, tatawagin pabalik sa Jerusalem,ang mga Israelitang nangalat sa Asiria at Egiptoupang sambahin nila si Yahweh sa banal na bundok sa Jerusalem.