Isaias 17 RTPV05

Paparusahan ng Diyos ang Damasco at ang Israel

1 Ganito ang pahayag ni Yahweh tungkol sa Damasco:“Mawawala ang Lunsod ng Damasco,at magiging isang bunton na lamang ng mga gusaling gumuho.

2 Kailanma'y wala ng titira sa mga lunsod ng Siria.Magiging pastulan na lamang siyang mga kawan ng mga tupa at baka at walang mananakot sa kanila.

3 Mawawasak ang mga tanggulan ng Efraim,babagsak ang kaharian ng Damasco.Matutulad sa sinapit ng Israel ang kapalarang sasapitin ng malalabi sa Siria.”Ito ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.

4 “Sa araw na iyonmaglalaho ang kaningningan ng Israel,ang kanyang kayamanan ay mapapalitan ng kahirapan.

5 Matutulad siya sa isang triguhanmatapos gapasin ng mga mag-aani.Matutuyot siyang gaya ng bukirin sa Refaimmatapos simuting lahat ng mga mamumulot.

6 Ilang tao lamang ang matitira sa lahi ng Israel,matutulad siya sa puno ng olibo na pinitas ang lahat ng mga bunga,at walang natira kundi dalawa o tatlong bungasa pinakamataas na sanga,apat o limang bungasa mga sangang dati'y maraming magbunga.”Ito ang sabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.

7 Sa araw na iyon lalapit ang mga tao sa Lumikha sa kanila, sa Banal na Diyos ng Israel.

8 Hindi na nila papansinin ang mga altar na sila na rin ang gumawa. Hindi na sila magtitiwala sa mga diyus-diyosang Ashera o sa mga altar na sunugan ng insenso na inanyuan ng kanilang mga kamay.

9 Sa araw na iyon, iiwan ng mga tao ang iyong mga lunsod. Tulad ng nangyari sa mga lunsod ng mga Hivita at Amoreo noong dumating ang mga Israelita.

10 Kinalimutan ninyo ang Diyos na nagligtas sa inyo,at hindi na ninyo naaalaala ang Bato na inyong kanlungan,sa halip, gumawa kayo ng mga sagradong hardinna itinalaga ninyo sa isang diyus-diyosan,sa paniniwalang pagpapalain niya kayo.

11 Ngunit kahit tumubo man ang mga halamanat mamulaklak sa araw na inyong itinanim,wala kang aanihin pagdating ng arawkundi pawang sakuna at walang katapusang kahirapan.

Tatalunin ang mga Kaaway na Bansa

12 Ang ingay ng napakaraming taoay parang ugong ng karagatan.Rumaragasa ang mga bansana parang hampas ng mga alon.

13 Nagkakaingay ang mga bansa na tulad ng daluyong ng tubig,ngunit pinigil sila ng Diyos, at sila'y tumakas,parang alikabok na inililipad ng hangin sa ibabaw ng burolat dayaming tinatangay ng ipu-ipo.

14 Sa gabi'y magsasabog sila ng sindakngunit pagsapit ng umaga'y wala na sila.Ganyan ang mangyayari sa mga umaapi sa atin,iyan ang sasapitin ng mga nagnakaw ng ating mga ari-arian.