1 “Sino itong dumarating na buhat sa Edom,buhat sa Bozra na ang maringal na kasuotan ay kulay pula?Sino ang magiting na lalaking itona kung lumakad ay puno ng kasiglahan?Ako ang nagbabadya ng tagumpay;ang kalakasan ko'y sapat na upang kayo ay iligtas.”
2 “Bakit pula ang iyong suot?Tulad ng damit ng nagpipisa ng ubas upang gawing alak?”
3 Ang sagot ni Yahweh: “Pinisa ko ang mga bansa na parang ubas,wala man lang tumulong sa akin;tinapakan ko sila sa tindi ng aking galit,kaya natigmak sa dugo ang aking damit.
4 Nagtakda na ako ng araw upang maghiganti,sapagkat dumating na ang panahon ng aking pagliligtas.
5 Ako'y naghanap ng makakatulongngunit walang nakita kahit isa;ako'y pinalakas ng aking galit,at mag-isa kong nakamit ang pagtatagumpay.
6 Sa tindi ng aking galit ay dinurog ko ang mga bansa,aking ibinuhos ang kanilang mga dugo sa lupa.”
7 Aking sasaysayin ang pag-ibig ni Yahweh na hindi nagmamaliw;pupurihin ko siya sa lahat ng bagay na kanyang ginawa para sa atin.Tunay na kanyang pinagpala ang bayang Israel,dahil sa kahabagan niya at wagas na pag-ibig.
8 Sinabi ni Yahweh, “Sila ang bayan ko na aking hinirang,kaya hindi nila ako pagtataksilan.”Iniligtas niya sila
9 sa kapahamakan at kahirapan.Hindi isang anghel,kung hindi si Yahweh mismo ang nagligtas sa kanila;iniligtas sila dahil sa pag-ibig niya't habag,na sa simula pa ay kanya nang ipinakita.
10 Ngunit sa kabila nito, sila'y naghimagsikat pinighati nila ang kanyang banal na Espiritu;dahil doon naging kaaway nila si Yahweh.
11 Pagkatapos, naalala nila ang panahon ni Moises,ang lingkod ni Yahweh.Ang tanong nila, “Nasaan na si Yahweh, na nagligtas sa mga pinuno ng kanyang bayan nang sila'y tumawid sa Dagat ng mga Tambo?Nasaan na si Yahweh, na nagbigay ng kanyang banal na Espiritu kay Moises?
12 Sa pangalan ni Yahweh, hinawi ni Moises ang tubig ng dagat,kaya ang Israel doon ay naligtas.At siya ay natanyag sa lahat para sa kanyang sarili.”
13 Natawid nila ang karagatan sa tulong ni Yahweh,parang kabayong matatag na hindi nabuwal.
14 Kung paanong ang kawan ay dinadala sa sariwang pastulan,ang Espiritu ni Yahweh ang nagbigay ng kapahingahan sa kanyang bayan,at sila'y ginabayan upang siya ay maparangalan.
15 Magmula sa langit tunghayan mo kami Yahweh,at iyong pagmasdan mula sa iyong dakila at banal na trono.Saan ba naroon ang malasakit mo at kapangyarihan?Pag-ibig mo at kahabagan,huwag kaming pagkaitan.
16 Kung walang nagawa sa amin si Jacob at Abraham,ikaw lamang, Yahweh, ang aming pag-asa at Amang aasahan;tanging ikaw lamang ang nagliligtas ng aming buhay.
17 Bakit ba, O Yahweh, kami'y tinulutang maligaw ng landas,at ang puso nami'y iyong hinayaang maging matigas?Balikan mo kami at iyong kaawaan,mga lingkod mo na tanging iyo lamang.
18 Kami, na iyong banal na bayan ay sandaling itinaboy ng mga kaaway;winasak nila ang iyong santuwaryo.
19 Ang turing mo sa amin ay parang hindi mo pinamahalaan;ang nakakatulad ay mga nilalang na di nakaranas na iyong pagharian.