Isaias 65 RTPV05

Parusa sa Mapanghimagsik

1 Sinabi ni Yahweh: “Nakahanda akong sagutin ang panalangin ng aking bayan,ngunit hindi naman sila nananalangin.Nakahanda akong magpakita sa naghahanap sa akin,ngunit hindi naman sila naghahanap.Sinasabi ko sa bansang ayaw tumawag sa akin,‘Narito ako upang ikaw ay tulungan.’

2 Buong maghapong nakaunat ang aking mga kamay,sa isang bansang mapanghimagsik,at ginagawa ang lahat ng magustuhan nila.

3 Sinasadya nilang ako ay galitin,naghahandog sila sa mga sagradong hardin,at nagsusunog ng mga insenso sa mga altar ng pagano.

4 Pagsapit ng gabi'y nagpupunta sila sa mga puntod at nitsoupang sangguniin ang kaluluwa ng patay na tao.Kumakain sila ng karneng-baboy,at maruming sabaw ng karneng handog ng pagano.

5 Ang sabi pa ng isa sa kanila, ‘Lumayo kayo!Huwag kayong lalapit sapagkat mas malinis ako sa inyo.’Ang mga taong ito'y parang usok sa aking ilong,tulad ng apoy na nagniningas sa buong maghapon.

6 Tingnan ninyo! Lahat ay naisulat na sa aking harapan.Hindi ako maaaring tumahimik.Ngunit paparusahan ko ang kanilang mga kasalanan; pagbabayarin ko sila,

7 sa kanilang kasalanan at sa kasalanan ng kanilang mga ninuno.Nagsusunog sila ng insenso sa kabundukanat ako'y sinusuway nila sa kaburulan.Karapat-dapat na parusa ang igagawad ko sa kanilang mga gawa.

8 Sinabi ni Yahweh sa kanyang bayan:“Ang isang kumpol na ubas ay maaaring gawing alak,kaya ang sabi ng mga tao, ‘Huwag ninyo itong sirain,sapagkat mayroon itong pagpapala!’Ganyan din ang gagawin ko alang-alang sa aking mga lingkod,hindi ko sila ganap na wawasakin.

9 Pagpapalain ko ang mga salinlahi ni Jacob,at kay Juda ibibigay ko ang aking mga bundok.Mananahan doon ang aking mga bayan na naglingkod sa akin.

10 Ako ay sasambahin ng aking mga lingkod, at kanilang pangungunahan ang kanilang mga tupa at bakasa pastulan sa kapatagan ng Sharon sa kanluranat sa Libis ng Kaguluhan sa gawing silangan.

11 Ngunit kayo na nagtakwil kay Yahwehat lumilimot sa aking banal na bundok,kayo na sumamba kay Gad at Meni, mga diyos ng suwerte at kapalaran;

12 itatakda ko kayong sa espada mamatay,ang mga leeg ninyo'y tatagpasin ng palakol.Sapagkat tinawag ko kayo ngunit hindi kayo sumagot,kinausap ko kayo ngunit hindi kayo nakinig.Ang ginawa ninyo'y pawang kasamaan sa aking paningin,pinili ninyo ang hindi nakalulugod sa akin.”

13 Kaya ganito ang sabi ng Panginoong Yahweh:“Ang mga lingkod ko'y magsisikain,samantalang kayo'y aking gugutumin;ang mga lingkod ko ay aking paiinumin,ngunit kayo'y aking uuhawin;ang mga lingkod ko'y pawang kagalakan ang tatamasahin,samantalang kayo'y aking hihiyain.

14 Sa laki ng tuwa ay mag-aawitan ang aking mga lingkod,samantalang kayo'y tataghoy sa hirap at sama ng loob.

15 Ang pangalan ninyo'y susumpain ng aking mga hinirang,sa kamay ng Panginoong Yahweh kayo'y mamamatay,samantalang bibigyan niya ng bagong pangalan ang kanyang mga lingkod.

16 Sinuman sa lupain ang nais na pagpalain,doon siya humingi sa Diyos na matapat.At sinuman ang gustong mangako,sa pangalan ng Diyos na matapat, gawin niya ito.Mapapawi na at malilimutan,ang hirap ng panahong nagdaan.”

Bagong Langit at Lupa

17 Ang sabi ni Yahweh: “Ako ay lilikha ng isang bagong lupa at bagong langit;ang mga bakas ng nakaraan ay ganap ng malilimutan.

18 Kaya naman kayo'y dapat na magalak sa aking ginawa,ang Jerusalem na aking nilikha ay mapupuno ng saya,at magiging masaya ang kanyang mamamayan.

19 Ako mismo'y magagalakdahil sa Jerusalem at sa kanyang mamamayan.Doo'y wala nang pagtangis o panaghoy man.

20 Ang mga sanggol ay hindi na mamamatay,lahat ng titira roon ay mabubuhay nang matagal.Ituturing pa rin na isang kabataan ang taong sandaang taon na,at ang hindi umabot sa gulang na ito ay ituturing na isinumpa.

21 Magtatayo sila ng mga tahanang kanilang titirhan,magtatanim sila ng ubas at sila rin ang aani.

22 Hindi tulad noong una, sa bahay na ginawa'y iba ang tumira.Sa tanim na halama'y iba ang nakinabang.Tulad ng punongkahoy hahaba ang buhay ng aking mga hirang,lubos nilang papakinabangan ang kanilang pinagpaguran.

23 Anumang gawaing paghirapan nila'y tiyak na magbubunga,at hindi magdaranas ng mga sakuna ang mga anak nila;pagpapalain ko ang lahi nila,at maging ang mga susunod pa.

24 Ang dalangin nila kahit hindi pa tapos ay aking diringgin,at ibibigay ko ang kanilang hinihiling.

25 Dito'y magsasalong parang magkapatid, ang asong-gubat at tupa,ang leon ay kakain ng damo tulad ng baka.At ang ahas naman na ang pagkain ay alabok kahit tapakan mo'y hindi ka mangangamba.Magiging panatag at wala nang masama sa banal na bundok.Sa Bundok ng Zion ay walang makakapinsala o anumang masama.”