13 Hindi ba't sinabi mo sa iyong sarili?‘Aakyat ako sa langit;at sa ibabaw ng mga bituin ng Diyos,ilalagay ko ang aking trono.Uupo ako sa ibabaw ng bundokna tagpuan ng mga diyos sa malayong hilaga.
14 Aakyat ako sa ibabaw ng mga ulap,papantayan ko ang Kataas-taasan.’
15 Ngunit anong nangyari at nahulog ka sa daigdig ng mga patay?Sa kalalimang walang hanggan?
16 Pagmamasdan ka ng mga patayat magtatanong ang mga ito:‘Hindi ba ang taong ito ang nagpayanig sa lupa,at nagpabagsak sa mga kaharian?
17 Hindi ba't winasak niya ang buong daigdig,at nilupig ang mga lunsod,ang taong ayaw palayain ang mga bilanggo?
18 Lahat ng hari ng mga bansa'y mahihimlaysa magagara nilang puntod.
19 Ngunit ikaw ay hindi ililibing sa iyong libingan,ang bangkay mo'y itatapon na parang sangang walang kabuluhan.Tatabunan ka ng mga bangkay ng mga napatay sa digmaan.Ihuhulog kang kasama ng mga iyon sa mabatong hukay,matutulad ka sa bangkay na tinatapak-tapakan.