25 lilipulin ko ang mga taga-Asiria sa aking lupain,dudurugin ko siya sa aking kabundukan.Palalayain ko ang aking bayan sa kanilang pang-aalipin,at sa mabigat na pasaning kanilang dinadala.
26 Ito ang gagawin ko sa buong daigdig,paparusahan ko na ang lahat ng bansa.”
27 Sino ang tututol sa pasya ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat?Sino ang pipigil sa kanyang pagpaparusa?
28 Ang mensaheng ito'y nahayag noong taóng mamatay si Haring Ahaz.
29 Huwag mo munang ipagdiwang, bayang Filistia,ang pagkabali ng pamalong inihampas sa iyo,sapagkat sa lahi ng ahas maaaring lumitaw ang ulupong,at mag-aanak ito ng lumilipad na dragon.
30 Ang mga mahihirap ay bibigyan ko ng pagkain,at ang mga nangangailanga'y panatag na mamamahinga;pababayaan kong mamatay ng gutom ang iyong lahi,at lilipulin ko ang matitira.
31 Manangis kayo buong bayan, managhoy ang lahat ng mga lunsod ninyo;manginig kayo sa takot, Filistia.Pumapailanlang ang alikabok mula sa dakong hilaga,sapagkat dumarating na ang matatapang na kawal.