4 hahamakin ninyo nang ganito ang hari ng Babilonia:“Bumagsak na ang malupit na hari!Hindi na siya makapang-aaping muli.
5 Winakasan na ni Yahweh ang kapangyarihan ng masama,ang tagapamahala,
6 na walang awang nagpahirap sa mga tao,buong lupit na naghari sa mga bansang kanilang sinakop.
7 Natahimik din sa wakas ang buong lupa,at ang mga tao'y nag-aawitan sa tuwa.
8 Tuwang-tuwa ang mga sipresat ang mga sedar ng Lebanon dahil sa nangyari sa hari.Sinasabi nila: ‘Ngayong ikaw ay wala na,wala na ring puputol sa amin.’
9 Ang daigdig ng mga patay ay abala sa iyong pagdating;ito'y naghahanda upang ikaw ay salubungin;ginising niya ang mga kaluluwa upang batiin ka,ng mga dating makapangyarihan sa daigdig.Pinatayo niya mula sa kanilang tronoang hari ng mga bansa.
10 Lahat sila ay magsasabi sa iyo:‘Ikaw pala'y naging mahina ring tulad namin!At sinapit mo rin ang aming sinapit!’