3 Makinig kayong lahat na mga naninirahan sa daigdig!Abangan ninyo ang pagtataas ng watawat sa ibabaw ng bundok,hintayin ninyo ang tunog ng trumpeta!
4 Sapagkat ganito ang sabi sa akin ni Yahweh:“Buhat sa aking kinaroroonan, tahimik akong nagmamasid,parang sinag ng araw kung maaliwalas ang langit,parang ulap na may dalang hamog sa tag-araw.
5 Sapagkat bago dumating ang anihan kapag tapos na ang pamumulaklakat kapag nahinog na ang mga ubas,ang mga sanga ay puputulin ng matatalas na karitsaka itatapon.
6 Ibibigay sila sa ibong mandaragitat sa mababangis na hayop.Kakainin sila ng mga ibon sa tag-arawat ng mga hayop sa taglamig.”
7 Sa panahong iyon, dadalhin kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahatang mga handog na galing sa lupaing ito, sa lupaing hinahati ng mga ilog.Magpapadala ng kanilang handog ang malakas na bansa,ang mga taong matatangkad at makikinis ang balat, na kinatatakutan sa buong daigdig.Pupunta sila sa Bundok ng Zion,sa lugar na nakalaan sa pagsamba kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.