1 Ito ang pangitain ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at sa Jerusalem:
2 Sa mga darating na araw,ang bundok na kinatatayuan ng Templo ni Yahwehang magiging pinakamataas sa lahat ng bundok,at mamumukod sa lahat ng burol,daragsa sa kanya ang lahat ng bansa.
3 Maraming tao ang darating at sasabihin ang ganito:“Umakyat tayo sa bundok ni Yahweh,sa Templo ng Diyos ni Jacob,upang maituro niya sa atin ang kanyang mga daan;at matuto tayong lumakad sa kanyang mga landas.Sapagkat sa Zion magmumula ang kautusan,at sa Jerusalem, ang salita ni Yahweh.”
4 Siya ang mamamagitan sa mga bansaat magpapairal ng katarungan sa lahat ng mga tao;kaya't gagawin na nilang araro ang kanilang mga tabak,at karit naman ang kanilang mga sibat.Mga bansa'y di na mag-aawayat sa pakikidigma'y di na magsasanay.