12 Sapagkat si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay may itinakdang araw,laban sa lahat ng palalo at mayabang,laban sa lahat ng mapagmataas;
13 laban sa lahat ng nagtataasang sedar ng Lebanon,at laban sa lahat ng malalaking punongkahoy sa Bashan;
14 laban sa lahat ng matataas na bundokat mga burol;
15 laban sa lahat ng matataas na toreat matitibay na pader;
16 laban sa mga malalaking barko,at magagandang sasakyang dagat.
17 Pagdating ng araw na iyon, ang mga palalo ay papahiyain,at ang mga maharlika, ay pababagsakin,pagkat si Yahweh lamang ang dapat dakilain,
18 at mawawala ang lahat ng diyus-diyosan.