1 Ito ang pahayag tungkol sa Babilonia.Parang ipu-ipong humahagibis mula sa disyertoang manlulupig ng Negeb mula sa isang nakakapangilabot na lupain.
2 Nakita ko ang isang pangitaing puno ng kalupitan,kataksilan, at pagkawasak.Sugod, Elam!Sakupin mo, Media.Wawakasan ko naang ginawang pagpapahirap ng Babilonia.
3 Dahil dito, nakadama ako ng matinding takot,namilipit ako sa sakittulad ng isang babaing nanganganak;ako'y nakayuko kaya hindi makarinig,ako'y nalilito kaya hindi makakita.
4 Pinanghihinaan ako ng loob, nangangatal ako sa takot;ang pananabik ko sa takipsilimay naging isang pagkasindak.