4 Pinanghihinaan ako ng loob, nangangatal ako sa takot;ang pananabik ko sa takipsilimay naging isang pagkasindak.
5 Sa aking pangitain ay handa na ang hapag-kainan;nakalatag na rin ang mga alpombra upang upuan ng mga panauhin;sila'y nagkakainan at nag-iinuman.Ngunit isang utos ang biglang narinig:“Tumayo kayo, mga pinuno, at langisan ang mga kalasag.”
6 At ganito ang sabi sa akin ni Yahweh:“Lumakad ka na at maglagay ng bantayat iulat ang kanyang mga nakikita.
7 Kung makakita siya ng mga kawal na nakasakay sa mga kabayo,at mga kawal na nakasakay sa asno at kamelyo,dapat siyang maging handaat ang kahandaan niya'y kailangang maging lubos.”
8 Sumigaw ang bantay,“Maghapon po akong nasa tore.Buong gabi'y nakabantay sa aking bantayan.”
9 Walang anu-ano'y nagdatinganang mga kawal na nakakabayo, dala-dalawa,at nag-ulat ang bantay,“Bumagsak na! Bumagsak na ang Babilonia!Nagkalat sa lansanganang durug-durog niyang mga diyus-diyosan!”
10 Bayan ko, matagal nang ikaw ay tila trigong ginigiik,may magandang balita ako sa iyo mula kay Yahweh,ang Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel.