8 Sinong nagbalak nitolaban sa maharlikang lunsod ng Tiro,na kinikilala ang mga dakilang mangangalakal,at pinaparangalan sa lahat ng bansa?
9 Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang nagplano nitoupang hamakin ang kanilang kataasanat hiyain ang mga taong dinadakila ng sanlibutan.
10 Kayong mangangalakal ng Tarsis,sakahin na ninyo ang inyong lupain na tulad ng Nilo,sapagkat wala nang gagambala sa inyo.
11 Ang parusa ni Yahweh ay abot hanggang sa ibayong dagatat ibinagsak ang mga kaharian;iniutos na niyang wasakin ang mga kuta sa Canaan.
12 Ang sabi ni Yahweh,“Lunsod ng Sidon, tapos na ang maliligayang araw mo!Kahit na pumunta ka sa Cyprus ay nanganganib ka pa rin.”
13 Masdan ninyo ang lupain ng mga taga-Babilonia,ang bayang ito ay hindi Asiria,at ang Tiro ay pinananahanan na ng mga ligaw na hayop.Pinaligiran siya ng mga tore at mga kuta,at winasak ang kanyang mga palasyo.
14 Manangis kayo mga mangangalakal ng Tarsis,sapagkat wasak na ang inyong inaasahan.