1 Ang daigdig ay wawasakin ni Yahweh,sasalantain niya ang mga lupain at pangangalatin ang mga tao.
2 Iisa ang sasapitin ng lahat—mamamayan at pari,alipin at panginoon;alila at may-ari ng bahay,nagtitinda't namimili,nangungutang at nagpapautang.
3 Mawawasak ang daigdig at wala nang papakinabangin dito;mangyayari ito sapagkat sinabi ni Yahweh.
4 Matutuyo at malalanta ang lupa,manghihina ang buong sanlibutan.Ang langit at ang lupa ay mabubulok.
5 Sinira na ang daigdig ng mga naninirahan ditodahil sinuway nila ang katuruan ng Diyos;at nilabag ang kanyang mga utos;winasak nila ang walang hanggang tipan.
6 Kaya susumpain ng Diyos ang daigdig,at magdurusa ang mga tao dahil sa kanilang kasamaan,mababawasan ang mga naninirahan sa lupa;kaunti lamang ang matitira sa kanila.
7 Mauubos ang alak,malalanta ang ubasan,ang mga nagsasaya'y daranas ng kalungkutan.