18 Sinumang tumakas dahil sa takot,sa balong malalim, doon mahuhulog.Pag-ahon sa balon na kinahulugan,bitag ang siyang kasasadlakan.Sapagkat mabubuksan ang durungawan ng langit,at mauuga ang pundasyon ng daigdig.
19 Ang daigdig ay tuluyang mawawasak,sa lakas ng uga ito'y mabibiyak.
20 Ang lupa'y tulad ng lasenggong pasuray-surayat kubong maliit na hahapay-hapay,sa bigat ng kasalanang kanyang tinataglay,tiyak na babagsak ang sandaigdigan at hindi na babangon magpakailanman.
21 Darating ang araw na paparusahan ni Yahwehang hukbo ng kasamaan sa himpapawid,gayundin ang mga hari dito sa daigdig.
22 Tulad ng mga bilanggo,ihuhulog silang sama-sama sa isang malalim na balon;ikukulong sila sa piitang bakal,at paparusahan pagkaraan ng maraming araw.
23 Mawawala ang liwanag ng araw at buwan,at maghahari si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat,sa Bundok ng Zion, at sa Jerusalem.Doo'y mahahayag ang kanyang kaluwalhatian, sa harap ng mga pinuno ng bayan.