6 Kaya susumpain ng Diyos ang daigdig,at magdurusa ang mga tao dahil sa kanilang kasamaan,mababawasan ang mga naninirahan sa lupa;kaunti lamang ang matitira sa kanila.
7 Mauubos ang alak,malalanta ang ubasan,ang mga nagsasaya'y daranas ng kalungkutan.
8 Ang masayang tugtog ng tamburin ay hindi na maririnig;titigil na ang ingay ng mga nagsasaya;mapaparam ang masayang tunog ng alpa!
9 Mawawala na rin ang pag-iinuman ng alak sa saliw ng awitan,ang alak ay magiging mapait sa panlasa.
10 Magulo ang lunsod na winasak;ang pintuan ng bawat tahanan ay may harang upang walang makapasok.
11 Sa mga lansangan ay sumisigaw sila dahil kulang ng alak,nawala na ang kagalakan at nauwi sa kalungkutan;lahat ng kasayahan ay napawi sa lupa.
12 Naguho na ang buong lunsod,ang pinto nito'y nagkadurug-durog.