3 Binibigyan mo ng lubos na kapayapaanang mga may matatag na paninindiganat sa iyo'y nagtitiwala.
4 Magtiwala kayo kay Yahweh magpakailanman,sapagkat ang Diyos na si Yahweh ang walang hanggang kublihan.
5 Ibinababâ niya ang mga nasa itaas;ibinabagsak niya ang lunsod na kanilang tinitirhan;hanggang maging alabok ang mga pader nito.
6 Ito'y tinapak-tapakan ng mga taong hinamak;at ginagawang tuntungan ng mahihirap.”
7 Patag ang daan ng taong matuwid,at ikaw, O Yahweh ang dito'y pumatag.
8 Sinusunod namin ang mga kautusan mo;ikaw lamang ang aming inaasahan.
9 Pagsapit ng gabi'y hinahanap-hanap ka ng aking kaluluwa,nangungulila sa iyo ang aking espiritu.Kapag hinatulan mo ang mga tao sa daigdig,malalaman nila kung ano ang matuwid.