5 Ibinababâ niya ang mga nasa itaas;ibinabagsak niya ang lunsod na kanilang tinitirhan;hanggang maging alabok ang mga pader nito.
6 Ito'y tinapak-tapakan ng mga taong hinamak;at ginagawang tuntungan ng mahihirap.”
7 Patag ang daan ng taong matuwid,at ikaw, O Yahweh ang dito'y pumatag.
8 Sinusunod namin ang mga kautusan mo;ikaw lamang ang aming inaasahan.
9 Pagsapit ng gabi'y hinahanap-hanap ka ng aking kaluluwa,nangungulila sa iyo ang aking espiritu.Kapag hinatulan mo ang mga tao sa daigdig,malalaman nila kung ano ang matuwid.
10 Kahit mahabag ka sa taong masama,hindi rin siya matututong mamuhay nang tapat;kahit na kasama siya ng bayang matuwid,kadakilaan ni Yahweh ay hindi pa rin mapapansin.
11 Nagbabala ka ng parusa, O Yahweh, ngunit hindi rin nila ito pinansin.Kaya ipadama mo sa kanila ang nakahandang parusa,upang makita nila ang pagmamahal mo sa iyong bayan.