8 Ang lahat ng mesa'y punô ng kanilang suka,nakakapandiri ang buong paligid.
9 Ganito ang sinasabi nila laban sa akin:“Ano kaya ang palagay ng taong ito sa atin;sino bang nais niyang turuan at pagpaliwanagan?Ang sinabi niya'y para lamang sa mga batang musmosna nangangailangan pa ng gatas.
10 Sinong makikinig sa kanyang pamamaraan:Isa-isang letra, isa-isang linya,at isa-isang aralin!”
11 Kaya naman magsasalita si Yahweh sa bayang itosa pamamagitan ng mga dayuhan, siya'y magtuturo.
12 Ganito ang kanyang sasabihin:“Narito ang tunay na kapahingahan para sa mga napapagal,”ngunit hindi nila ito pinakinggan.
13 Kaya ganito ang pagtuturo ni Yahweh sa kanila:“Isa-isang letra, isa-isang linya,at isa-isang aralin;”at sa kanilang paglakad, sila'y mabubuwal,mahuhulog sa bitag, masasaktan at mabibihag.
14 Kaya't ngayon ay dinggin ninyo si Yahweh, kayong mga walang galang na pinuno,na namamahala sa Lunsod ng Jerusalem.