8 Sapagkat wala nang tao sa mga lansangan,mapanganib na ang doo'y dumaan.Mga kasunduan ay di na pinahahalagahan,at wala na ring taong iginagalang.
9 Ang tuyong lupa'y parang nagluluksa,ang kagubatan ng Lebanon ay nalalanta;naging parang disyerto na ang magandang lupain ng Sharon;gayundin ang Bundok ng Carmel at ang Bashan.
10 “Kikilos ako ngayon,” ang sabi ni Yahweh sa mga bansa,“At ipapakita ko ang aking kapangyarihan.”
11 Walang kabuluhan ang mga plano ninyo, at ang mga gawa ninyo ay walang halaga;dahil sa aking poot tutupukin kayo ng aking espiritu.
12 Madudurog kayong tulad ng mga batong sinunog para gawing apog.Kayo'y magiging abo, na parang tinik na sinunog.
13 Kayong mga nasa malayo, pakinggan ninyo ang ginawa ko;kayong mga nasa malapit, kilalanin ninyo ang kapangyarihan ko.
14 Nanginginig sa takot ang mga makasalanan sa Zion.Sabi nila, “Parang apoy na hindi namamatay ang parusang igagawad ng Diyos.Sino ang makakatagal sa init niyon?”