12 Katulad ng toldang tirahan ng pastol,inalis na sa akin ang aking tahanan.Ang abang buhay ko'y pinuputol motulad ng tela sa isang tahian;ang aking akala'y wawakasan na ng Diyos ang aking buhay.
13 Ako'y lumuluha sa buong magdamag, hindi makatulog, parang nilalansag,parang nilalamon ng leon ang aking buong katawan,ang aking akala'y wawakasan na ng Diyos ang aking buhay.
14 Tumataghoy ako dahil sa hirap,parang isang kalapating nakakaawa.Ang mga mata ko ay pagod na rin dahil sa pagtitig doon sa itaas.O Panginoon, sa kahirapang ito ako'y iyong iligtas.
15 Ano pa ang aking masasabi? Ang may gawa nito ay ikaw,ngunit masakit ang aking kalooban, at hindi ako makatulog.
16 “O Panginoon, ang mga nilikha ay nabubuhay dahil sa iyo,ako'y pagalingin at ang aking lakas sana'y ibalik mo.
17 Ang hirap na ito'y aking nalalaman, na tanging ako rin ang makikinabang.Iyong iniligtas ang buhay na ito, hindi mo hinayaang mahulog sa hukay,at pinatawad mo ako sa aking mga kasalanan.
18 Ang patay ay hindi na makakapagpuri sa iyo,o makakaasa sa iyong katapatan.