9 Ito ang awit na isinulat ni Haring Hezekias ng Juda, matapos na siya'y gumaling:
10 “Minsa'y nasabi kong sa katanghalian ng buhay,ako ay papanaw!Sa daigdig ng mga patay ako masasadlak,upang manatili doon sa buong panahon ng aking buhay.
11 At nasabi ko ring hindi ko na makikita si Yahwehat sinumang nabubuhay sa lupa.
12 Katulad ng toldang tirahan ng pastol,inalis na sa akin ang aking tahanan.Ang abang buhay ko'y pinuputol motulad ng tela sa isang tahian;ang aking akala'y wawakasan na ng Diyos ang aking buhay.
13 Ako'y lumuluha sa buong magdamag, hindi makatulog, parang nilalansag,parang nilalamon ng leon ang aking buong katawan,ang aking akala'y wawakasan na ng Diyos ang aking buhay.
14 Tumataghoy ako dahil sa hirap,parang isang kalapating nakakaawa.Ang mga mata ko ay pagod na rin dahil sa pagtitig doon sa itaas.O Panginoon, sa kahirapang ito ako'y iyong iligtas.
15 Ano pa ang aking masasabi? Ang may gawa nito ay ikaw,ngunit masakit ang aking kalooban, at hindi ako makatulog.