11 Ako ay si Yahweh, wala nang iba pa;walang ibang Tagapagligtas, maliban sa akin.
12 Noong una pa man ako'y nagpahayag na.Ako ang nagligtas sa iyo, at ang nagbalita ng lahat ng ito.Noon ay wala pa kayong kinikilalang ibang diyos;kayo ang mga saksi ko.
13 Ako ang Diyos at mananatili akong Diyos magpakailanman,walang makakatakas sa aking kapangyarihan;at walang makakahadlang sa aking ginagawa.”
14 Sinabi pa ni Yahweh,ang Tagapagligtas, at Banal na Diyos ng Israel:“Magpapadala ako ng hukbo laban sa Babilonia alang-alang sa iyo.Gigibain ko ang mga pintuan ng kanyang lunsodat mauuwi lamang sa iyakan ang kasayahan ng mga tagaroon.
15 Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na Banal,ang Hari ng Israel na sa iyo'y lumalang!
16 Iyan ang sinasabi ni Yahweh, na siyang gumawa ng daan sa gitna ng dagat,upang maging kalsadang tawiran.
17 Siya ang nanguna upang malupig ang isang malaking hukbo.Nilipol niya ang kanilang mga kabayo.At ang kanilang mga karwahe'y winasak;sila'y nabuwal at hindi na nakabangon;parang isang ilaw na namatay ang dingas.”