18 Ito ang sabi niya:“Ilibing mo na sa limot, at huwag nang alalahanin pa,ang mga nangyari noong unang panahon.
19 Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay;ito'y nagaganap na, hindi mo pa ba makita?Gagawa ako ng isang daanan sa gitna ng disyerto,at magkakaroon ng ilog sa lugar na ito.
20 Pararangalan ako maging ng mababangis na hayopgaya ng mga asong-gubat at mga ostrits,sapagkat nagpabukal ako ng tubig sa disyerto,upang may mainom ang mga taong hinirang ko.
21 Nilalang ko sila upang maging aking bayan,upang ako'y kanilang laging papurihan!”
22 Sinabi ni Yahweh,“Ngunit ikaw, Israel, ang lumimot sa akin;at ayaw mo na akong sambahin.
23 Hindi ka na nagdadala ng mga tupang sinusunog bilang handog;hindi mo na ako pinaparangalan sa pamamagitan ng iyong mga hain.Hindi kita pinilit na maghandog sa akin,o pinahirapan man sa pagsusunog ng insenso.
24 Hindi mo ako ibinili ng mabangong insensoo kaya'y hinandugan man lang ng taba ng hayop.Sa halip ay gumawa ka ng maraming kasalanan,pinahirapan mo ako sa iyong kasamaan.