2 Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita;tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod;dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog,hindi ka matutupok.
3 Sapagkat ako si Yahweh na iyong Diyos,ang Banal na Diyos ng Israel na iyong Tagapagligtas.Ibibigay ko ang Egipto,Etiopia at Sheba bilang pantubos sa iyo upang ikaw ay makalaya.
4 Ibibigay ko ang mga bansa para lang maligtas ka,sapagkat mahalaga ka sa akin;mahal kita, kaya't pararangalan kita.
5 Huwag kang matakot, sapagkat ako'y kasama mo!Titipunin ko kayo mula sa dulong silangan hanggang sa kanluran,at ibabalik ko kayo sa inyong dating tahanan.
6 Sasabihin ko sa mga bansa sa hilaga na kayo'y palayain.Sasabihin ko rin sa mga bansa sa timog na huwag kayong pigilan,hayaan ninyong magbalik ang aking bayan, mula sa malalayong dako;mula sa lahat ng panig ng daigdig.
7 Sila ang aking bayan na aking nilalang,upang ako'y bigyan ng karangalan.”
8 Sinabi ni Yahweh,“Paharapin ninyo sa akin ang aking bayan.Sila'y may mga mata ngunit hindi nakakakita,may mga tainga ngunit hindi nakakarinig.