6 Sasabihin ko sa mga bansa sa hilaga na kayo'y palayain.Sasabihin ko rin sa mga bansa sa timog na huwag kayong pigilan,hayaan ninyong magbalik ang aking bayan, mula sa malalayong dako;mula sa lahat ng panig ng daigdig.
7 Sila ang aking bayan na aking nilalang,upang ako'y bigyan ng karangalan.”
8 Sinabi ni Yahweh,“Paharapin ninyo sa akin ang aking bayan.Sila'y may mga mata ngunit hindi nakakakita,may mga tainga ngunit hindi nakakarinig.
9 Tawagin ang mga bansa sa panahon ng paglilitis.Sino sa kanilang diyos ang makakahula sa mangyayari?Sino sa kanila ang nakahula sa nangyayari ngayon?Bayaan silang magharap ng mga saksipara patunayan ang kanilang sinasabiat patunayang sila ay tama.
10 Bayang Israel, ikaw ang saksi ko,pinili kita upang maging lingkod ko,upang makilala mo ako at manalig ka sa akin.Walang ibang Diyos maliban sa akin,walang nauna at wala ring papalit.
11 Ako ay si Yahweh, wala nang iba pa;walang ibang Tagapagligtas, maliban sa akin.
12 Noong una pa man ako'y nagpahayag na.Ako ang nagligtas sa iyo, at ang nagbalita ng lahat ng ito.Noon ay wala pa kayong kinikilalang ibang diyos;kayo ang mga saksi ko.