3 Malalantad sa mga tao ang hubad mong katawan,mabubunyag ang kahiya-hiya mong kalagayan.Walang makakapigil sa aking gagawin.Ako'y maghihiganti.”
4 Ang Diyos ang siyang nagligtas sa amin, siya ang Banal na Diyos ng Israel.Ang pangalan niya ay Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat.
5 Sinabi ni Yahweh sa Babilonia,“Maupo ka na lang at manahimik doon sa dilim,sapagkat ikaw ay hindi na tatawaging reyna ng mga kaharian.
6 Nang ako'y magalit sa mga lingkod ko,sila'y aking itinakwil;aking pinabayaan na masakop mo at maging alipin.Pinarusahan mo silang walang awa,pati matatanda'y pinagmalupitan mo.
7 Sapagkat akala mo'y mananatili kang reyna habang panahon.Hindi mo na naisip na magwawakas ito pagdating ng araw.
8 “Pakinggan mo ito, ikaw na mahilig sa kalayawan,at nag-aakalang ikaw ay matiwasay.Ang palagay mo sa sarili'y kasindakila ka ng Diyos,at ang paniwala mo'y wala kang katulad;inakala mong hindi ka mabibiyuda,at hindi mo mararanasan ang mamatayan ng anak.
9 Ngunit isang araw, sa loob lamang ng isang saglit,anumang salamangka o mahika ang iyong gawin,mangyayari ang dalawang bagay na ito:Mawawala ang iyong asawa at ang iyong mga anak!