14 Hindi na magtatagal at ang mga bihag ay palalayain,mabubuhay sila nang matagalat hindi magkukulang sa pagkain.
15 Ako nga si Yahweh, ang Diyos na sa iyo'y lumalang.Aking hinahalo ang pusod ng dagatkaya umiingay ang mga alon.Ang pangalan ko'y Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
16 Itinuro ko na sa iyo ang aking salita, upang ito'y maipahayag mo;at iingatan ka ng aking mga kamay.Ako ang naglatag nitong kalangitan,pati mga pundasyon ng buong daigdig, ako rin ang naglagay;sabi ko sa Jerusalem, ‘Ikaw ang aking bayan.’”
17 Gumising ka Jerusalem!Ikaw ay magbangon,ikaw na umiinom sa kopa ng Diyos na napopoot.Inubos mo hanggang sa masaid ang laman niyon.Kaya ikaw ay susuray-suray ngayon.
18 Sa mga anak mo,wala kahit isang sa iyo'y umaalalay, matapos palakihin,at wala man lang humahawak sa iyong mga kamay.
19 Dalawang sakuna ang dumating sa iyo;winasak ng digmaan ang iyong lupainat nagkagutom ang mga tao.Wala isa mang umaliw sa iyo.
20 Lupaypay na nakahandusay sa lansangan ang mga tao.Tulad nila'y usang nahuli sa bitag ng mangangaso;nadarama nila ang tindi ng poot ni Yahweh, ang galit ng inyong Diyos.