17 Gumising ka Jerusalem!Ikaw ay magbangon,ikaw na umiinom sa kopa ng Diyos na napopoot.Inubos mo hanggang sa masaid ang laman niyon.Kaya ikaw ay susuray-suray ngayon.
18 Sa mga anak mo,wala kahit isang sa iyo'y umaalalay, matapos palakihin,at wala man lang humahawak sa iyong mga kamay.
19 Dalawang sakuna ang dumating sa iyo;winasak ng digmaan ang iyong lupainat nagkagutom ang mga tao.Wala isa mang umaliw sa iyo.
20 Lupaypay na nakahandusay sa lansangan ang mga tao.Tulad nila'y usang nahuli sa bitag ng mangangaso;nadarama nila ang tindi ng poot ni Yahweh, ang galit ng inyong Diyos.
21 Kaya ako'y inyong dinggin, kayong lupasay sa matinding hirap,at wari'y lasing gayong hindi uminom ng alak,
22 ganito ang sabi ni Yahweh, na inyong Diyos at Tagapagtanggol,“Aalisin ko na ang kopa ng aking poot sa inyong mga kamay,at magmula ngayon hindi ka na iinom ng alak na iyan.
23 Aking ililipat ang inuming ito sa inyong mga kaaway,na nagpahandusay sa inyo sa mga lansanganat pagkatapos kayo'y tinapakan.”