1 “Umawit ka Jerusalem, ang babaing hindi magkaanak!Sumigaw ka sa galak, ikaw na hindi pa nakakaranas manganak.Magiging mas marami ang iyong mga anakkaysa sa kanya na may asawa, sabi ni Yahweh.”
2 Gumawa ka ng mas malaking tolda,palaparin mo ang kurtina niyon.Huwag mong lagyan ng hangganan ang dakong iyon,pahabain mo ang mga tali.Ibaon mo ng malalim ang mga pantulos.
3 Sapagkat kakalat kayo sa buong daigdig,aangkinin ng inyong lahi ang ibang mga bansa;at pananahanan nila ang mga lunsod doon, na iniwanan.
4 Huwag kang matakot o panghinaan man ng loob,sapagkat hindi ka na mapapahiya.Malilimot mo na ang kahihiyang dinanas mo noong iyong kabataan;hindi mo na maaalala ang matinding kalungkutan ng pagiging isang biyuda.