5 Sapagkat ang Lumalang sa iyo ay ang asawa mo,ang pangalan niya'y Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.Ang tagapagligtas mo ay ang Banal na Diyos ng Israel,kung tawagin siya'y Diyos ng buong sanlibutan.
6 Israel, ang katulad mo'y asawang iniwan at ngayo'y nagdurusa,isang babaing maagang nag-asawa at pagkatapos ay itinakwil.Ngunit pinababalik ka ngayon ni Yahweh at sa iyo'y sinasabi,
7 “Sandaling panahon kitang iniwanan;ngunit dahil sa tapat kong pag-ibig, muli kitang kakalingain.
8 Sa tindi ng aking galit, sandali akong lumayo sa iyo,ngunit ipadarama ko sa iyo ang aking kahabagan sa pamamagitan ng pag-ibig na wagas.”Iyan ang sabi ni Yahweh na magliligtas sa iyo.
9 “Noong panahon ni Noe, ako ay sumumpanghindi na mauulit na ang mundong ito'y gunawin sa tubig.Aking ipinapangako ngayon, hindi na ako magagalit sa iyo,at hindi na kita paparusahan muli.
10 Maguguho ang mga bundok at ang mga burol ay mayayanig,ngunit ang wagas na pag-ibig ko'y hindi maglalaho,at mananatili ang kapayapaang aking ipinangako.”Iyan ang sinasabi ni Yahweh, na nagmamahal sa iyo.
11 Sinabi ni Yahweh,“O Jerusalem, nagdurusang lunsodna walang umaliw sa kapighatian.Muling itatayo ang mga pundasyon mo, ang gagamitin ko'y mamahaling bato.