Isaias 58:2-8 RTPV05

2 Sinasangguni nila ako sa araw-araw,tinatanong nila ako kung paano sila mamumuhay.Kung kumilos sila ay parang matuwid,at hindi sumusuway sa mga tuntuning ibinigay ng kanilang Diyos.Humihingi sila sa akin ng matuwid na pasya;nais nila'y maging malapit sa Diyos.”

3 Tanong ng mga tao, “Bakit hindi mo pansin ang pag-aayuno namin?Bakit walang halaga sa iyo kung kami ma'y magpakumbabá?”Sagot ni Yahweh, “Pansariling kapakanan pa rin ang pangunahing layunin ninyo sa pag-aayuno,at habang nag-aayuno'y patuloy ninyong inaapi ang mga manggagawa.

4 Ang pag-aayuno ninyo'y humahantong lamang sa karahasan,kayo'y nagkakagalit at naglalaban-laban.Hindi tunay ang pag-aayunong ginagawa ninyo ngayon,kaya tiyak na hindi ko papakinggan, ang inyong mga dalangin sa akin.

5 Ganyan ba ang pag-aayunong aking kaluluguran?Iyan ba ang araw na talagang nagpapakumbabá ang mga tao?Hinihiling ko ba na yumuko kayong tulad ng damong hinihipan ng hangin,o mahiga kayo sa sako at abo?Pag-aayuno na ba ang tawag ninyo diyan,isang araw na nakalulugod kay Yahweh?

6 “Ganitong pag-aayuno ang gusto kong gawin ninyo:Palayain ninyo ang mga di-makatarungang ipinabilanggo;kalagin ninyo ang tanikala ng inyong mga inalipin.Palayain ninyo ang mga inaapi,at baliin ang mga pamatok ng mga alipin.

7 Ang mga nagugutom ay inyong pakainin,ang mga walang tirahan ay inyong patuluyin.Ang mga walang maisuot ay inyong bigyan ng mga damit.At sa mga nangangailangang mga kamag-anak ay huwag kayong magkakait.

8 Kung magkagayon, sisikat ang liwanag sa inyo, at matutulad kayo sa bukang-liwayway,hindi magtatagal at manunumbalik ang inyong kalusugan.Mahahayag sa inyong unahan ang mabubuti ninyong gawa,at sa inyong hulihan ay papatnubayan kayo ng kaluwalhatian ni Yahweh.