3 upang pasayahin ang mga tumatangis sa Zion,kaligayahan sa halip na bigyan ng kapighatian,awit ng kagalakan sa halip na kalungkutan;matutulad sila sa mga punong itinanim ni Yahweh,na ginagawa kung ano ang makatuwiran,at maluluwalhati ang Diyos dahil sa kanilang ginawa.
4 Muli nilang itatayo ang mga sirang lunsod, na napakatagal nang wasak at tupok.
5 Paglilingkuran kayo ng mga dayuhan,at sila ang magpapastol ng inyong mga kawan;mga dayuhan din ang magsasaka ng inyong lupain at mag-aalaga ng inyong ubasan.
6 Ngunit kayo nama'y tatawaging mga pari ni Yahweh,at makikilalang mga lingkod ng ating Diyos.Pagpipistahan ninyo ang kayamanan ng mga bansa.Ipagmamalaking inyo na ang karangyaang dati'y sa kanila.
7 Sa halip na kahihiyan, ang bayan ko'y tatanggap ng kasaganaan.Sa halip na paghamak, sila'y magsasaya sa kanilang minana,magiging doble ang inyong kayamanan;at ang inyong kagalaka'y magpasawalang hanggan.
8 Ang sabi ni Yahweh:“Ako'y namumuhi sa kasalanan at pang-aalipin; ang nais ko'y katarungan.Gagantimpalaan ko ang mga taong tapat sa akin,walang hanggang tipan ang aking gagawin para sa kanila.
9 Ang lahi nila ay makikilala sa lahat ng bansa,ang mga anak nila'y sisikat sa gitna ng madla;sinumang makakita sa kanila ay makikilalangsila ang aking bayang pinagpala.”