2 Nang mabalitaan ng sambahayan ni David na nagkasundo na ang Siria at ang Efraim, ang hari at ang buong bayan ay nanginig sa takot na parang mga puno sa kakahuyan na hinahampas ng hangin.
3 Sinabi ni Yahweh kay Isaias: “Isama mo ang iyong anak na si Sear-Yasub at salubungin ninyo si Ahaz. Matatagpuan ninyo siya sa may dulo ng padaluyan ng tubig mula sa tipunan ng tubig sa itaas, sa daang patungo sa dakong Bilaran ng Tela.
4 Ganito ang sabihin mo sa kanya: ‘Humanda ka! Huwag matakot at mabagabag. Huwag kang masisiraan ng loob dahil sa nag-aalab na poot ni Rezin ng Siria at ni Peka na anak ni Remalias; ang dalawang iyon ay parang dalawang putol ng kahoy na umuusok ngunit walang apoy.’
5 Nagbalak ng masama laban sa iyo ang Siria, ang Israel at ang anak ni Remalias, at kanilang sinabi:
6 ‘Lusubin natin ang Juda,at sakupin ang Jerusalem.Gagawin nating hari doon ang anak ni Tabeel.’
7 Ngunit sinabi ng Panginoong Yahweh, “Hindi ito mangyayari.
8 Sapagkat ang Siria'y mas mahina kaysa Damasco na punong-lunsod niya,at ang Damasco'y mas mahina kaysa kay Haring Rezin.Ang Israel naman ay mawawasak sa loob ng animnapu't limang taon,at hindi na ito ibibilang na isang bayan.