4 Ganito ang sabihin mo sa kanya: ‘Humanda ka! Huwag matakot at mabagabag. Huwag kang masisiraan ng loob dahil sa nag-aalab na poot ni Rezin ng Siria at ni Peka na anak ni Remalias; ang dalawang iyon ay parang dalawang putol ng kahoy na umuusok ngunit walang apoy.’
5 Nagbalak ng masama laban sa iyo ang Siria, ang Israel at ang anak ni Remalias, at kanilang sinabi:
6 ‘Lusubin natin ang Juda,at sakupin ang Jerusalem.Gagawin nating hari doon ang anak ni Tabeel.’
7 Ngunit sinabi ng Panginoong Yahweh, “Hindi ito mangyayari.
8 Sapagkat ang Siria'y mas mahina kaysa Damasco na punong-lunsod niya,at ang Damasco'y mas mahina kaysa kay Haring Rezin.Ang Israel naman ay mawawasak sa loob ng animnapu't limang taon,at hindi na ito ibibilang na isang bayan.
9 Malakas pa kaysa Israel ang lunsod ng Samaria na punong-lunsod nito,at ang Samaria ay mas mahina kaysa kay Haring Peka.Ikaw ay mabubuwal kapag hindi naging matatag ang iyong pananalig sa Diyos.”
10 Muling nagsalita si Yahweh kay Ahaz: