7 Ngunit sinabi ng Panginoong Yahweh, “Hindi ito mangyayari.
8 Sapagkat ang Siria'y mas mahina kaysa Damasco na punong-lunsod niya,at ang Damasco'y mas mahina kaysa kay Haring Rezin.Ang Israel naman ay mawawasak sa loob ng animnapu't limang taon,at hindi na ito ibibilang na isang bayan.
9 Malakas pa kaysa Israel ang lunsod ng Samaria na punong-lunsod nito,at ang Samaria ay mas mahina kaysa kay Haring Peka.Ikaw ay mabubuwal kapag hindi naging matatag ang iyong pananalig sa Diyos.”
10 Muling nagsalita si Yahweh kay Ahaz:
11 “Humingi ka ng palatandaan kay Yahweh na iyong Diyos, maging ito ay buhat sa malalim na libingan o sa kaitaasan ng langit.”
12 Ngunit sinabi ni Ahaz: “Hindi po ako hihingi. Hindi ko po susubukin si Yahweh.”
13 At sinabi ni Isaias:“Makinig kayo, sambahayan ni David!Hindi pa ba sapat na subukin ninyo ang pagtitiis ng mga tao,at pati ang pagtitiis ng aking Diyos ay inyong sinusubok?