1 Mula sa Panginoon ang lahat ng karunungan,at iyon ay taglay niya magpakailanman.
2 Sino ang makakabilang ng buhangin sa dagat, o ng patak ng ulan, o ng mga araw,o sa panahong walang pasimula at walang katapusan?
3 Sino ang makakasukat sa taas ng langit, o sa lawak ng lupa?Sino ang makakaarok sa karagatan at sino ang makakasaliksik sa Karunungan?
4-5 Bago pa likhain ang alinmang nilalang, nalikha na ang Karunungan,at ang tunay na pagkaunawa, bago pa nagsimula ang mga panahon.
6-7 Kanino ipinahayag ang simula ng Karunungan,at sinong nakakaalam ng kanyang pamamaraan?
8 Iisa lamang ang talagang marunong;dapat tayong gumalang na may paghanga sa harap ng kanyang luklukan.