1 Si Josue na anak ni Nun ay isang magiting na mandirigma,siya ang kahalili ni Moises sa pagkapropeta.Pinatunayan niya ang isinasaad ng kanyang pangalan—naging tagapagligtas siya ng mga hinirang ng Diyos.Nilupig niya ang mga bansang lumaban sa kanila,at sinakop ang lupaing ipinangako sa Israel.
2 Kahanga-hanga siya nang kanyang hawakan ang tabakat iwasiwas iyon laban sa mga lunsod ng kaaway.
3 Walang makatagal ng pakikipaglaban sa kanyasapagkat ipinaglalaban niya ang Panginoon.
4 Hindi ba't pinigil niya ang takbo ng araw,kaya't ang maghapon ay naging kasing haba ng dalawang araw?
5 Tumawag siya sa Kataas-taasang Diyos na Makapangyarihan,nang siya'y sinasalakay ng kaaway mula sa lahat ng panig.At bilang tugon sa kanyang dalangin,bumagsak sa kanyang kalaban ang isang napakalakas na ulan ng yelo.
6 At nilipol ng Diyos ang bansang iyon,samantalang sila'y nagsisitakas pababa sa gulod ng Beth-horon;sa gayo'y nakilala ng mga bansa ang kapangyarihan ni Josue,at napatunayang siya'y kinukupkop ng Panginoon.
7 Si Josue ay laging masunurin sa Diyos na Makapangyarihan,tapat sa kanya mula pa noong panahon ni Moises.Sila ni Caleb na anak ni Jefune ang nanindiganlaban sa paghihimagsik ng buong bayan.Pinigil nila ang mga ito sa pagkakasala,at pinatahimik sa kanilang mga reklamo.
8 Kaya naman sila lamang dalawa ang natirang buháysa 600,000 Israelita na umalis sa Egipto,at nakapasok sa lupaing ipinangako sa kanila—lupain na mayaman at sagana sa lahat ng bagay.
9 Binigyan ng Panginoon si Caleb ng kapangyarihan,at ito'y tinaglay niya hanggang sa kanyang katandaan,kaya't nasakop pa niya ang mga lupain sa kaburulan.Magpahanggang ngayon naroon pa ang kanyang mga angkan.
10 Sa gayon, nakita ng buong bayang Israelna mabuti ang ibinubunga ng pagiging tapat sa Panginoon.
11 Nariyan din ang mga hukom, bawat isa'y nabantog noong kanyang kapanahunan,mga lalaking may pusong laging tapatat di nagtaksil sa Panginoon kailanman.Purihin ang kanilang alaala!
12 Nawa'y manariwa uli ang mga buto nila sa libingan,at muling mabuhay ang mararangal nilang pangalansa pamamagitan ng kanilang mga supling.
13 Si Samuel ay kinalulugdan ng Panginoon.Bilang propeta ng Diyos, itinatag niya ang kaharianat siya ring humirang sa mga maghahari sa Israel.
14 Pinamahalaan niya ang buong Israel ayon sa Kautusan ng Panginoon,at sa panahon ng kanyang pamumuno, itinaguyod ng Panginoon ang Israel.
15 Sa pamamagitan ng kanyang katapatan ipinakita niyang siya'y isang tunay na propeta,at ang lahat ng ipinahayag niya'y napatunayang totoo.
16 Nang siya'y paligiran ng mga kaaway,tumawag siya sa Panginoong Makapangyarihan sa Lahat;naghandog siya ng isang tupang hindi pa naiwawalay.
17 Bilang tugon ng Panginoon,dumagundong ang kulog mula sa kalangitan.
18 Nilipol ng Panginoon ang mga pinuno ng Tiroat ang lahat ng mga haring Filisteo.
19 Bago sumapit ang panahon ng kanyang pagkamatay,sumumpa si Samuel sa harap ng Diyos at ng hari:“Hindi ako kumuha ng ari-arian ninuman,kahit isang pares ng sapatos man lamang.”At wala rin namang nagparatang sa kanya at walang nagpasinungaling sa kanyang sinabi.
20 At kahit nang siya'y sumakabilang-buhay na,ipinahayag pa rin niya sa hari ang nalalapit nitong kamatayan;at kahit nga siya'y patay na, nangusap siya bilang propeta,upang pawiin ang kasamaan ng kanyang bayan.