1 Ang nagmamahal sa anak ay malimit gumamit ng pamalo,upang ang anak ay maging kasiyahan niya paglaki nito.
2 Ang mahigpit sa anak ay makikinabang sa huli;sa kanyang mga kaibigan, ito'y maipagmamalaki.
3 May naipagmamalaki sa mga kaibigan ang mabuting magturo sa anak,at kinaiinggitan pa ng kanyang mga kaaway.
4 Kahit na siya'y patay na, wari'y buháy pa rin siya,sapagkat ang kanyang naiwan ay tunay na larawan niya.
5 Habang buháy siya sa daigdig, ang dulot ng anak ay kasiyahan,at pagsapit ng kamatayan, papanaw siyang walang agam-agam.
6 Ang iniwan niyang anak ang maghihiganti sa kanyang mga kaaway,at ito rin ang magbabayad ng utang na loob niya sa mga kaibigan.
7 Ang nagpapalayaw sa anak ay lubhang masasaktan,at magigimbal ang puso niya sa bawat daing.
8 Ang kabayong hilaw-sa-turo ay mahirap na pigilin,ang anak na pinalayaw ay mahirap na supilin.
9 Kapag pinalayaw mo ang anak, ikaw ang tatakutin;makipagbiro ka sa kanya at ikaw ang paluluhain.
10 Huwag kang makipagtawanan sa kanya, kung hindi mo nais lumuhang kasama niya,at magngalit ang ngipin sa sama ng loob.
11 Huwag mo siyang pabayaang gawin ang lahat ng magustuhan,at huwag mong palalampasin ang kanyang mga pagkukulang.
12 Disiplinahin mo siya habang bata pa;paluin mo kung kinakailanganat kung hindi, lalaki siyang matigas ang ulo at suwail,at wala kang mahihintay kundi kapighatian.
13 Disiplinahin mo ang iyong anak at turuang magtrabaho,kung hindi, pawang kahihiyan ang idudulot niya sa iyo.
14 Mabuti pa ang maging dukha ngunit malakas ang katawankaysa maging mayaman na puro naman karamdaman.
15 Mas mahalaga kaysa ginto ang kalusugan,ang lakas ng katawan kaysa maraming kayamanan.
16 Walang kayamanang maipapalit sa lusog ng katawan,walang kasiyahang hihigit pa sa ginhawa ng kalooban.
17 Mabuti pa ang mamatay kaysa mabuhay sa gitna ng pagdurusa,mabuti pa ang mamayapa kaysa magkasakit nang matagal.
18 Ang masarap na pagkaing dulot sa walang ganang kumain,ay parang pagkaing handog sa mga diyus-diyosan.
19 Anong kabuluhan ng pagkaing handog sa diyus-diyosanna hindi naman nakakakain o nakaaamoy?Ganyan ang taong pinarusahan ng Panginoon,
20 pinagmamasdan na lamang niya ang pagkain at napapabuntong-hininga,gaya ng kapon na yumayakap sa dalaga at naghihinagpis sa panghihinayang.
21 Huwag kang patangay sa kalungkutan,at huwag mong pahirapan ang sarili sa malabis na pagdaramdam.
22 Ang kagalakan ng puso ang siyang nagpapasigla sa tao,at ang kaligayahan ang nagpapahaba ng buhay.
23 Magsaya ka at mag-aliw;iwaksi mo nang malayo ang iyong mga kalungkutan.Marami na ang napahamak dahil sa alalahanin,at wala namang nakikinabang sa pamimighati.
24 Ang inggit at poot ay nakapagpapaikli ng buhay,at ang pag-aalala ay madaling nakapagpapatanda.
25 Ang may masaya at magandang kaloobanay maganang kumain at nasisiyahan dito.