1 Anak, huwag mong aalisan ng ikabubuhay ang mahihirapat huwag mong paghihintayin ang nangangailangan.
2 Huwag mong dudustain ang nagugutom,at huwag mong gagalitin ang taong nasa mahigpit na pangangailangan.
3 Huwag mong dadagdagan ng suliranin ang taong masama ang loob,at huwag mong ipagpaliban ang pagtulong sa maralita.
4 Huwag mong tatanggihan ang hiling ng nasa kasawian;huwag mong tatalikuran ang taong dukha.
5 Huwag mong iiwasan ang nangangailangan;huwag mo siyang bibigyan ng dahilang sumpain ka.
6 Kung sumpain ka niya sa gitna ng mapait niyang karanasan,diringgin ng Maykapal ang kanyang dalangin.
7 Sikapin mong kalugdan ka ng lipunan;igalang mo ang mga may kapangyarihan.
8 Pakinggan mo ang daing ng maralita;sagutin mo siya nang banayad at payapa.
9 Iligtas mo ang naaapi sa kamay ng mang-aapi,at magpakatatag ka kapag ikaw ay humahatol.
10 Maging isa kang ama sa mga ulila;bigyan mo ang mga biyuda ng tulong na hindi na maidulot ng yumaong asawa;aariin kang anak ng Kataas-taasang Diyosat iibigin ka niya nang higit pa sa pag-ibig ng isang ina.
11 Kinakalinga ng Karunungan ang mga humahanap sa kanya;sila'y kanyang tinuturuan.
12 Ang nagmamahal sa kanya'y nagpapahalaga sa buhay;ang maagang naghihintay sa kanya ay magtatamasa ng kaligayahan.
13 Ang nagkamit ng Karunungan ay magtatamo ng karangalan,pagpapalain siya ng Panginoon saanman siya pumunta.
14 Ang naglilingkod sa Karunungan ay naglilingkod sa Panginoon;iibigin ng Panginoon ang sinumang umiibig sa Karunungan.
15 Ang sumusunod sa kanya'y humahatol nang wasto;ang nagpapahalaga sa kanya'y nabubuhay nang matiwasay.
16 Magtiwala ka sa Karunungan at kakamtan mo siya;mananatili siya sa iyong lahi hanggang sa iyong kaapu-apuhan.
17 Sa pasimula'y isasama ka niya sa mga liku-likong landas,tatakutin ka niya at pupunuin ng alalahanin.Pagtitiisin ka niya ng bigat ng kanyang mga tuntunin,at susubukin ka niya sa pamamagitan ng kanyang mga utos,hanggang sa ikaw ay pagtiwalaan niya.
18 Pagkatapos, agad-agad ka niyang lalapitan;ihahayag niya sa iyo ang kanyang mga lihim, at bibigyan ka niya ng kaligayahan.
19 Ngunit kapag siya'y iyong tinalikuran,pababayaan ka niya at mabubulid ka sa kapahamakan.
20 Gawin mo ang lahat sa tamang panahon at umiwas kang lagi sa masama.Huwag mong hahamakin ang iyong sarili.
21 Ang kababaang-loob ay kapuri-puri at marapat igalang,ngunit ang paghamak sa sarili ay kasalanan.
22 Huwag mong bayaang pagsamantalahan ka ng iba;huwag mong ipahamak ang iyong sarili dahil sa di pagtatanggol sa iyong mga karapatan.
23 Huwag kang mag-atubiling magsalita kung napapanahon,at huwag mong itago ang iyong karunungan.
24 Ang karunungan ay nakikilala sa pananalita;ang pinag-aralan mo ay makikilala sa iyong pangungusap.
25 Huwag kang magsasalita laban sa katotohanan,at huwag mong kalilimutang marami kang di nalalaman.
26 Huwag mong ikahihiyang ipahayag ang iyong mga kasalanan;hindi mo mapipigilan ang agos ng ilog.
27 Huwag kang paiilalim sa hangal,at huwag mo namang kikilingan ang makapangyarihan.
28 Ipakipaglaban mo ang katotohanan hanggang kamatayan,at ipaglalaban ka ng Panginoong Diyos.
29 Huwag kang pabigla-bigla sa pananalita;huwag ka namang babagal-bagal sa paggawa.
30 Huwag kang mag-asal leon sa iyong tahanan,at huwag kang magmalupit sa iyong mga katulong.
31 Huwag laging nakabuka ang palad mo para tumanggap,ngunit huwag ding nakakimkim nang mahigpit kapag napapanahong magbayad.