1 May tatlong bagay akong kinagigiliwan,na kinalulugdan ng Diyos at maganda sa paningin ng tao:ang pagsusunuran ng magkakapatid, ang pagkakaibigan ng magkapitbahay,at ang pagmamahalan ng mag-asawa.
2 Tatlong uri naman ng tao ang aking kinapopootan,at ang gawa nila'y labis kong kinasusuklaman:ang maralitang nagmamataas, ang mayamang sinungaling,at ang matandang hayok sa laman.
3 Kung hindi ka mag-iimpok ng Karunungan samantalang bata pa,anong iyong aasahan kapag tumanda na?
4 Kahanga-hanga ang isang matanda sa kakayahan nitong umunawa,at ang may karanasan sa kanyang pagpapayo.
5 Nararapat na ang isang matanda ay maging marunongat ang taong marangal ay maging mabuting tagapayo.
6 Ang mahabang karanasan ang putong ng katandaan,at ang paggalang sa Panginoon ang tunay nilang karangalan.
7 Siyam na bagay ang nagbibigay sa akin ng kasiyahan,at may isa pa akong idaragdag:Ang magulang na ang kaligayahan ay ang kanyang mga anak;ang taong saksi sa pagbagsak ng kanyang mga kaaway;
8 ang lalaking may matalinong asawa;ang mag-asawang nagkakasundo,ang taong hindi nagkakasala sa pananalita;ang taong hindi naglilingkod sa mas hamak kaysa kanya;
9 ang taong nakatagpo ng isang tapat na kaibigan;ang taong kinagigiliwang pakinggan kapag siya'y nagsasalita;
10 ang taong nagkamit ng Karunungan;ngunit higit sa lahat ang taong may paggalang sa Panginoon.
11-12 Ang paggalang sa Panginoon ay higit sa lahat ng bagay dito sa sanlibutan,at ang taong mayroon nito ay walang katulad.
13 Sa lahat ng sugat, pinakamahapdi ang sugat sa puso;sa lahat ng panliligalig, wala nang hihigit pa sa panliligalig ng babae.
14 Pinakamasakit na pahirap ang parusa ng napopoot;pinakamalupit na ganti ang paghihiganti ng kaaway.
15 Pinakamasamang kamandag ang kamandag ng ulupong;pinakamatinding poot ang poot ng babae.
16 Mabuti pa ang mag-alaga ng isang leon o dragon,kaysa mag-asawa ng isang masungit na babae.
17 Ang mukha niya'y pinapapangit ng kanyang kasungitan,anupa't siya'y nagmumukhang galit na oso.
18 Kapag ang asawa niya'y kasalo ng kanyang mga kaibigan,abut-abot ang kanyang buntong-hiningang di mapigilan.
19 Walang ligalig sa buhay na maipapantay sa kaligaligang dulot ng babae;nawa'y sapitin din niya ang kasawian ng mga makasalanan.
20 Kung gaano kahirap para sa isang matanda ang umahon sa isang bundok na buhangin,gayon kahirap para sa isang lalaking tahimik ang makisama sa isang babaing madaldal.
21 Huwag kang pahahalina sa kagandahan ng babae,at huwag kang mahuhumaling na makamtan siya.
22 Kapag ang lalaki'y palamunin ng asawa,wala siyang mahihintay kundi kadustaan, kahihiyan at alimura.
23 Ang masungit na babae'y hirap ng loob ng asawa,at wala siyang idudulot dito kundi pawang kalungkutan, kabiguan at kahihiyan.
24 Sa babae nagsimula ang kasalanan,at dahil sa kanya tayong lahat ay mamamatay.
25 Huwag mong babayaang tumulo ang tubig,at pigilan mo ang masamang pananalita ng iyong asawa.