1 Pagkatapos, lumitaw naman si Natanupang maging propeta sa panahon ni David.
2 Si David ay hinirang sa lahat ng kalalakihan sa Israel,parang taba na inihiwalay sa handog na pang-alay.
3 Pinaglaruan lamang niya ang leon na wari'y batang kambing,at ang mga oso na wari'y maliliit na tupa.
4 Binatilyo pa lamang siya nang patayin niya ang higanteat sagipin sa kahihiyan ang bayang Israel.Pinabagsak niya ang palalong si Goliat,sa pamamagitan ng isang bato na ibinala niya sa kanyang tirador.
5 Sapagkat nanawagan siya sa Kataas-taasang Diyos,pinag-ibayo nito ang lakas ng kanyang bisig,at napatay niya ang batikang mandirigma ng kaaway,upang igalang ng mga bansa ang kapangyarihan ng kanyang bayan.
6 Kaya't tinawag siyang “ang nagwagi sa sampu-sampung libo,”at noong igawad sa kanya ang korona ng pagkahari,ipinagdiwang siya ng bayan sapagkat hinirang siya ng Panginoon.
7 Nilipol niya ang mga kaaway na Filisteowinasak ang kanilang kapangyarihan, hanggang sa panahong ito.
8 Nagpasalamat siya sa Diyos, sa lahat niyang nagawa;sa Kataas-taasan at Kabanal-banalan niya iniukol ang karangalan.Kumatha siya ng mga awit na nagmumula sa kaibuturan ng puso,upang ipakilala ang pag-ibig niya sa Maykapal.
9 Naglagay siya ng mga mang-aawit at manunugtog,upang umawit sa harap ng dambana sa saliw ng mga alpa.
10 Pinaringal niya ang pagdiriwang ng mga pista,at itinakda ang kanilang mga araw sa loob ng isang taon;kaya nga, umalingawngaw sa tahanan ng Panginoon ang papuri sa kanyang banal na pangalan,mula sa pagbubukang-liwayway hanggang sa paglubog ng araw.
11 Pinatawad siya ng Panginoon sa kanyang mga kasalanan,at ibinigay sa kanya ang kapangyarihan magpakailanman.Iginawad sa kanya ang korona ng pagkahariat ipinangako sa kanyang angkan ang trono ng Israel.
12 Ang humalili sa kanya ay isang marunong na anak,na dahil sa kanya'y namuhay nang matiwasay.
13 Naging mapayapa ang paghahari ni Solomon,sapagkat pinatahimik ng Diyos ang kanyang mga hangganan.Kaya't nakapagtayo siya ng isang marilag na Templo,na titirhan ng Diyos magpakailanman.
14 Kay dunong mo, Solomon, nang ikaw ay bata pa!ang karunungan mo'y parang ilog na umaapaw.
15 Ang kapangyarihan ng katalinuhan mo'y lumaganap sa buong daigdigat nakilala sa lahat ng dako ang iyong mga salawikain.
16 Nabantog ang pangalan mo sa malalayong lupain,at minahal ka ng lahat dahil sa mapayapa mong paghahari.
17 Hinangaan sa buong daigdig ang iyong mga salawikain,ang iyong mga awit, kawikaan at paliwanag.
18 Sa ngalan ng Panginoong Diyos,na tinatawag ding Diyos ng Israel,nagtipon ka ng napakaraming ginto at pilakna para bang lata o tingga sa kasaganaan.
19 Ngunit labis na nabuhos ang loob mo sa mga babae,at binayaan mong alipinin ka ng kanilang alindog.
20 Sa gayon, dinungisan mo ang iyong karangalanat nabatikan ang pangalan ng iyong angkan.Dahil sa iyo, naparusahan ang iyong mga anak,at dinulutan ng kapighatian ang buong kaharian.
21 Dahil sa iyo, nahati ang kaharian ng Israel;lumitaw ang Efraim, ang bahaging mapanghimagsik.
22 Subalit walang katapusan ang pagkahabag ng Diyosat hindi siya sumisira sa kanyang pangako.Hindi niya lilipulin ang lahi ng kanyang hinirangat hindi niya wawakasan ang kanyang angkan.Kaya't pinanatili niya ang lahi ni Israel,nagtira siya ng supling sa angkan ni David.
23 Namatay si Solomon tulad ng kanyang mga ninuno,at si Rehoboam na anak niya ang humalili sa kanya.Ngunit ito'y isang hangal, kapos sa katalinuhan,at dahil sa kanyang palakad, nag-aklas ang bayan.Sa pamumuno ni Jeroboam na anak ni Nebat,nagkasala ang Israel at nagpakasama ang Efraim.
24-25 Dumating sa sukdulan ang kanilang kasamaan,gumawa sila ng lahat ng uri ng kasalanan,hanggang sa bumagsak sa kanila ang parusa ng Diyosat itinapon sila sa ibang lupain.